Kwentong Jeepney: Not a love story
Dahil laking Maynila ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nakasakay ng Jeepney. Naaalala ko noong elementarya pa lang ako, unang beses na pinayagan ako umuwi mag-isa ng aking nanay. Dahil iisang route lang ang dinadaanan ng Jeep sa aming lugar, hindi ako nahirapan sa pag sasakay at madali kong nagamay kung paano umuwi sa aming bahay. May mga panahon rin na nag-black 1-2-3 ako kasama ng aking mga kaklase. Black 1-2-3 means hindi pagbabayad sa Jeepney driver. (Okay, sabihan niyo na kong masamang tao pero pinagsisisihan ko yun promise) Pero dahil mababait ang mga Jeepney driver na sinasakyan ko noong bata ako, never pa ako na call out ng driver na hindi nagbabayad ng pamasahe. Noong panahong yun ay limaang piso pa lang ang binabayad ng mga estudyante sa Jeep. Ngunit dahil kinse or fifteen pesos lang ang baon ko dati eh malaking pera na rin sakin kung makaka save ako ng limang piso sa isang araw. Nalaman yun ng aking nanay at tatay kalaunan. Syempre, normal na pagalitan ako at naiintindihan ko yun. Simula noon ay hinanapan na nila ako ng service, AKA padyak or sidecar.
Habang lumalaki ay patuloy pa rin akong gumagamit ng Jeep bilang pangunahing transportasyon ko. Pero maniniwala ba kayo na college na ako noong matuto talaga ng mga daan sa kalye? Paano ba naman kasi, sobrang lapit na noon ng school ko eh hinahatid pa kami ng aking tatay gamit ang kaniyang sasakyan. Kaya ayun, ang laki ko na pero lagi pa rin akong naliligaw kapag sumasakay ng Jeep.
At dahil nga hindi na mabilang sa aking kamay kung ilang beses akong sumasakay ng Jeepneys, napakarami kong mga experience rito na hinding hindi ko talaga maakakalimutan. Osige, unahin natin ang mga sabaw-moments.
Feeling ko ay marami na rin sa ating nakasakay sa Jeep at nakalimutang magbayad. Uunahan ko na kayo, hindi ako nag black 123 noong time na yun at sadyang sabaw lang talaaga ako. Paano ba naman, rush hour din yun, mainit panahon at ang dami ko pang dala. In short, haggardo versoza talaga ang ses niyo. So ayon nga, puno na ang Jeep pero pinilit ko pa ring sumakay. Halos kalahati ng pisngi na lang ng pwet ko yung nakaupo pero pi-nush ko pa rin dahil sa mga oras na yon, madaling madali na talaga ako. So ang siste, tinanong ko ang drayber kung dadaan ba sa bababaan ko. Sinabi niyang oo sabay tanong ulit ako kung magkano. After malaman yung amount na dapat kong bayaran sa drayber, inisip ko muna kung paano ako makakaupo ng maayos. Nag-antay ako ng mga taong bababa dahil ipit na ipit na talaga ako, dagdag nyo pa ung init ng panahon. Awang awa talaga ako sa sarili ko noong mga oras na iyon pero dahil isa pa rin ako sa mga mandirigma noong araw na iyon, hindi ko na inisip yung amoy at pawis ko. Dahil nasa loob ng bagpack ko ang wallet ko, nahirapan talaga akong kunin yun at hindi ko alam bakit bigla na lang akong bumaba ng jeep ng di nag-aabot ng bayad. Nasa taas loob na ko ng room namin bago ko napagtanto ung sabaw-moments na yun dahil inalok ako sa canteen ng kasama ko.
So another scenario naman is yung bigla kaming pinababa ng Jeep na sinasakyan namin at pinasakay sa kabilang Jeep. (Uso yung ganitong eksena sa bandang Shaw, Mandaluyong kaya kapag sumakay ako ng jeep doon, late pa rin talaga ako nagabbayad) So ayun nga, pinalipat kami ng jeep tapos hindi ulit kami nakapag bayad ng pamasahee ng kasama ko doon sa bagong drayber. Bago kami bumaba sa unang jeep ay binalik nito yung pamasahe namin para kami na lang magbabayad doon sa drayber na pinaglipatan namin. Nakonsensya talga kami noong araw na iyon dahil ilang kilometro rin ang binyahe ng Jeep na iyon.
Marami pa kong experience sa mga Jeepneys pero iilan lang ang tumatak sa aking utak dahil hindi ko talaga kayang kalimutan. Yung iba ay nagdulot ng trauma pero mas marami pa ring katatawanan.
Dahil sa napapabalitang pag-phase-out ng mga Jeep sa buong bansa, marami ang umaalma. Lahat talaga ng tao sa aming bansa ay apektado. Ilang araw pa lang na wala kaming makitang mga Jeep sa kalsada ay sobrang hirap na lumabas at pumunta sa mga destinasyon. Nariyan na ang mga makabagong transportasyon gaya ng Minibus, uso na rin ang mga GRAB, Angkas at Joyride pero mas hinahanap pa rin ng mga tao ang mga Jeep na Hari talaga ng Kalsada. para sa akin ay wala namang masama kung magkakaroon ng pagbabago ngunit mas mabuting i-consider man lang muna ng administrasyon ang mga taong maaapektuhan.
Anyways, salamat sa pagbabasa at sana ay na-entertain ko kayo sa aking entry sa challenge ng HivePH Community. 😍🥰😊
Yang di nakapag bayad nagawa kp yan nong sumakay ako ng multicab dito samin HAHAHAHA. Diko pala to nakwento, dahil sa nahihiya akong magpaabot ng bayad, bumaba ako ng di nagbabayad. And di rin ako nag para kasi dun ako sa kanto bumaba mejo ilang lakad pa bago ang bahay. May bumaba kaso that timr so sumabaw na ko HAHAHAHAHAHA. Di naman siguro napansin kasi if oo di sana nasigawan na ko non huhu
Adik ka mas ginusto mo pa bumaba kesa magbayad kasi nahiya ka, walanjo yan Ruffaaaa!! 🤣🤣
Ay oo nga, naalala ko rin bata pa lang ako sumasakay na rin talaga kami ng jeep eh. Haha. Tas yun nga na-experience ko na rin yan, nagpapalipat ng ibang jeep pag babalik na sila tas pinapasakay sa ibang jeep.
Pero ang nakwento ko e hindi about dun, yung bad experience tlga ang naalala ko nung nakita ko ung contest. 😆
Aigoo di ko na kinwento ung bad experience ko kasi as in rated SPG siya dzaiii feeling ko bawal haahahahah
Omg wag na kung ganun huhu. Masakit din pag ganyan experience... 💔
Trueee minor pa ko non bhiee.... Hay nako gravity un. Di ko sure if nakwento ko na here sa Hive pero sa Read.cash alam ko na share ko na hahaha
Ay andun ka rin ba? Baka di ko nabasa pa rin kahit doon haha. Hassle tlga pag may mga manyak eh.
Omg taga doon ka din ba noon hahaha sayang no wala na kasi ih na phaseout na 😅
Actually sumali lang din ako dun nung nauso haha.
Parang di ko pa natry mag 1-2-3 sa whole life ko na intentionally hehe. 🤣 Siguro nakapag 123 na rin ako pero di ko lang siguro na alala na iabot ang bayad haha. Nice read!
Nako girl feeling ko na exp mo na to baka nalimot mo lang 🤣🤣
123 Easy hahah. Oi bawal yun di maganda tularan kaya buti nalang tapos na tayo sa phase na iyan. Dito sa Laguna medyo alerto na ang mga jeepney driver kaya mahirap na ang galawan. Ginawa namin yan noong highschool kasi peer pressure ba. Ending na call out at nagbayad parin.
JUSME! Danas ko ito pag ang sakay ko ay pa Stop and Shop pa may Divi, pag walang pasahero sa may Kalentong binababa na ako dun palang e ang lapit ko na sa bahay sa may Sta. Mesa kala nya naisahan nya ako pero ako ang nakaisa bwahhaha.
Omg alam mo na taga saan ako HAHAHAHAHAHAHAA sa may stop n shop ganyan tlga mga jeepney mapapa chuckles, I'm in danger ka talaga 😂😂
Btw dito ka nag work noon?
HAHAHA hindi sa may Mandaluyong ako nag work noon, sa callcenter malapit sa Robinsons Pioneer.
Yung experience sa Stop and Shop legit! Nako minsan nakakatulog ako sa jeep naabot ako dyan. mukha na akong manghoholdap pero feeling ko mabibiktima parin ako. E ang taba ko pa naman, mahirap tumakbo pag nagkahabulan.
Ahh oo sa rob pioneer, lapit lang yan sa school ko.
Nako sa stop n shop di ka pwede maglabas ng phone kasi sureball mahoholdap ka. Dami pa naman dun nasakay na kesyo manghihingi daw limos pero kapag di mo binigyan biglang hablot yang mga yqn ng gamit mo. 🙈
HAHAHA wag kang mag-alala ate @usagidee napagdaanan ko rin yan. Natural naman siguro sa bata maging pilyo kaya fan din kami ng 123 nung araw haha. Tapos natatandaan ko pa yung byahe namin galing Baclaran hanggang Bacoor nang hindi nagbabayad, sobrang nakakakonsensya din talaga. Nalimutan na namin dahil sa sobrang pagod
Hooyyy gravity na ung simula baclaran pa bacoor. Dami mo na kasalanan ilang times un? 😂😂
iisang beses lang yun tih di na naulit pero yung 123 nung bata di ko na maalala hahahha. Lord patawarin nawa
Napatawad na tayuuuuu hahahaa