2nd Week Contest: Ang Aking Munting Kontribusyon sa Hive
Hindi ko lubos maisip na nagsimula lang ako sa pagtipa ng mga kakaunting mga pangungusap sa isang plataporma, at ngayon ay narito na sa isang malawak na komunidad kung saan ay niyayakap na ng marami ang kahit anong uri ng pagsusulat. Rito sa Hive, madali kong naramdaman na bahagi ako ng komunidad, na hindi ako "isang baguhan" lang.
Noong aking mga unang araw, ang una kong impresyon ay baka hindi ako magtagal. Ganoon naman talaga diba? Sa una lang masaya, sa una lang masarap. Pero nagbago ang lahat noong mabigayan ako ng tyansa na makasali sa isang Discord Server kung saan kapwa ko mga Pinoy ang naroon. Pasensya na kung hindi ako ganoon ka-aktibo, pero gusto kong magpasalamat kay @cthings na siyang nag alok sa akin na sumali rito. At hindi lang iyon, mas lalong nadagdagan ang pagnanasa kong maging aktibo sa Hive dahil narito din ang ilang mga birtuwal kong kaibigan na tumulong sa akin upang mas lalong bigyan pansin ang platapormang Hive. Lubos akong nagpapasalamat sa aking mga kaibigan, @ruffatotmeee na laging nariyan upang sagutin ang mga katanungan ko sa lahat ng bagay. Sa totoo lang ay isa siya sa mga tunay na iniidolo ko sa kung saan saan. Di pa kita nakikita sa personal ngunit alam ko talaga na isa ka sa mga mapagkumbabang mga tao na nakilala ko. Pinasasalamatan ko rin ang ilang mga taong tumutugon sa mga katanungan ko noong ako'y marami pang hindi nalalaman sa komunidad na ito. Kila @eunoia101, @ayane-chan, ate @jane1289 at @dennnmarc , maraming maraming salamat sainyo.
Habang ako'y tumatagal rito, marami akong bagay na lubos na nao-obserbahan sa ilang mga estrangherong nakikilala at nakakausap ko.
Lahat sila ay handang gumabay at tumulong.
Karamihan sa mga nakikita kong blog ay nag bibigay ng impormasyon. Dahil rito, mas naigiging interaktibo ang mga mambabasa. Ang ibang artikulo naman ay naghahayag ng kanilang mga damdamin at ang nakakatuwa rito, makikita mo na ang mga nagkokomento ay lubos na nagpapakita ng simpatya at pakikiramay.
Isa lang ang napagtanto ko.
Ang mga komunidad sa platapormang ito ay ginawa upang magkaroon ng mas maayos na interaksyon sa pagitan ng iba ibang mga tao. Kung ikaw ay isang ina, naghahanap ng mga makakausap na kapwa mo ina na alam mong makatutulong sa iyo, nariyan ang @ladiesofhive at ang @motherhood. Kung naghahanap ka naman ng komunidad na makatutulong sayo sa aspetong pisikal o emosyonal, narito ang komunidad ng @exhaust. At kung gusto mo naman na isang open na komunidad na para sa mga Pinoy, yayakapin ka ng @hiveph. Ilan lamang ito sa mga komunidad na nagugustuhan kong bisitahin maya't maya. Kung napapaisip ka pa rin kung bakit, maiintindihan mo rin ako pag nagsimula ka ng mag sulat at makipag interak sa mga taong naroon.
Kaya kung ako'y inyong tatanungin, paano ba ako makakapag bigay ng kontribusyon sa Hive?
Sa aking palagay ay sisimulan ko ito sa pag bibigay ng tamang impormasyon tungkol sa kung ano bang meron sa loob nito. Aminin natin, ang mentalidad ng ibang pinoy ay sumali lang sa mga plataporma dahil unang impresyon nila ay madali lang makakuha ng datung. Kung sabagay ay ganito rin naman talaga ang gusto natin lahat. Ngunit sa aking palagay ay mas mabuting magbigay ng tamang impormasyon sa iba upang mas higit nilang maintindihan kung ano nga ba ang komunidad na ito. Para sa akin kasi, mas nagiging maganda ang isang site kung ang mga gumagamit nito ay hindi abusado. Kung ganoon saan tayo magsisimula?
Isa lang yan kapatid, simulan mo sa sarili mo. Ipasa mo sa iba ang nalalaman mo, siguraduhin mong tama at naintindihan nilang mabuti. Nakatitiyak ka bang pag sumali sila ay gagamitin nila ng maayos ang Hive? Kung isa ka sa mga taong nakatulong sa ibang tao upang malaman ang Hive at ngayon ay gaya mo na rin, gumaganda ang reputasyon at nakakakuha ng maayos na benepisyo mula sa pagsusulat, binabati kita. Ipagpatuloy mo ang pagtulong sa kapwa gaya ng pagtulong ng iba saiyo noong nagsisimula ka pa lang.
At sa huli, matuto kang magpasalamat sa mga taong ito, huwag makalimot sa mga bagay na itinulong at ibinigay saiyo at matuto rin tayong magbalik sa mga komunidad ng walang halong panghihinayang.
Muli, nagpapasalamat ako sa @hiveph sa pag -anyaya sa amin na gumawa ng ganitong ka-interaktibong blog. Ito ang aking entry para sa pangalawang linggo ng "Buwan ng Wika" na idinaraos tuwing Agosto ng taon.
Congratulations @usagidee! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):
Your next target is to reach 700 comments.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!
Siyang tunay, ang akala ko noon ay di ko makakaya, pumasok sa lugar na di ko alam ang aking ginagawa, ang magtagal ay isa mithiin ko na sanay magawa kahit paano hehe. Kaya din ako nagsusumikap na makausad dahil sa kapwa filipino ma narito.
Oh diba! Lahat tayo ay halos may iisang impresyon din noong una. Ngunit kita mo, lubos tayong nagsisikap para makapag sulat ng mga kung ano ano. 🤗
Kamusta po @usagidee? Napili po namin ang post na ito sa aming curation ng MCGI Cares(Hive) community. Nais po namin kayo na anyayahan sa aming community na nag aaral ng salita ng Dios.
Maaari rin po natin i-follow ang aming Official Facebook page
Keep doing the great job po ❤️
Yay! 🤗
Your content has been boosted with Ecency Points, by @ruffatotmeee.
Use Ecency daily to boost your growth on platform!
Support Ecency
Vote for new Proposal
Delegate HP and earn more
Ang Ganda ng pagkakasulat mo at lahat ng iyong natalakay ay Tama at may antig sa puso.
Maraming salamat ate yen! Hari nawa ay maintindihan ito ng lahat at isapuso. ❤️
Magandang ideya, maraming kang matutulungan na mga baguhan kung mabibigyan mo sila ng magandang impormasyon tungkol sa Hive (^_^)
Salamat sa pagkomento. ☺️
Dapat na alam ito ng lahat ng mga gumagamit ng Hive nang sa gayon eh manatiling maayos ang takbo ng plataporma. Kung ikaw ay nasa ibang site, mapapansin mo na marami ang umabuso lalo na ng platform na noise.cash (kung user ka rin noon)
Walang anuman, ngayon ko lang napag-alaman ang tungkol sa noise.cash.
Masaya ako dahil naging bahagi ako ng pagsali mo sa HivePH. Alam kong marami kang maibabahagi dito. Padayon, Dee! ✨
Maraming salamat ate! Isa ka sa may malalaking ambag kung bakit ako napunta at patuloy na nagsusulat sa komunidad na ito. Mabuhay ka ng matagal!! 🙌😆☺️❤️
Same tayo sis @usagidee na nag isip na baka di tayo magtagal dito peru ang saya ko kasi one month na ako ngayon.. Sana tuloy-tuloy na to. @ladiesofhive at @motherhood isa din yan sa community na feel ko belong ako.
Masaya akong nakikita kitang nakapag susulat sa mga komunidad na ito. Tunay na marami tayong matututunan talaga ano? ☺️❤️
Mahirap man sa simula, pero sa gabay ng iba, lahat matutunan... Nsa pag titiyaga lang iyan 😊..
(Bat ba mas nosebleed ako sa pure Filipino a binabasa ai)
Tama ate @jane1289 ❤️🙌 ganoon naman talaga sa una, mahirap at ilang beses ka pang mangangapa. Pero dadating ang panahon na masusuklian din ang mga hirap. At kapag nagkaroon na ng ganitong blessings, matuto tayong ibahagi ito sa iba.
Pagyamanin kung baga ang layunin ng Hive Ph Community at ng Hive. 😊🙂
Nice! Giving information especially to the newbies is a great contribution on Hive.
Tama lahat ang iyong sinabi!
Salamat @anonymous02 sa pagbabasa. Ito talaga ang nararamdaman kong kayang ibigay ng lahat ng gumagamit ng platapormang ito nang sa gayon ay mas maging malawak din ang persepsyon ng mga gustong maging bahagi ng komunidad na ito.
Sa totoo lang ay alam naman nating lahat na gusto nating kumita ng marangal. 0ero sa aking palagay eh mas makukuha natin ito agad kung tayo muna ay matututong mangapa at magbigay muna ng kung ano ang ating kayang ibigay sa Hive. ☺️
Agree with you!
Nakaka nosebleed din kapag pure tagalog hahahaha
Totoo to. Kaso dahil buwan ng wika pa, susubukan ko munang makipag usap ng tagalog 🙈
ang galing naman parang almost tula na ang pagbabasa ko hehehe
Salamat ate, sa totoo lang ilang oras ko to ginawa dahil medyo hirap ako mag construct ng tagalog na pangungusap. 😂😂
naku ako din nahihirapan pag tagalog isusulat
ahahahaha ate try mo din dali hihih
Lalim ng hugot, gurl ah. 😆
Maganda nga naman talagang ipabatid sa mga taong nais mong anyayahin sa platform kung ano ang mga nagagawa nito at, tama ka, dapat hindi abusado kasi walang pera sa Hive Ph. Charr lang. 😄
Oh diba?? Kay dapat laging isasapuso din ang pag bibigay ng anyaya sa ibang tao. Hindi ung tipong trip mo lang sila ma imbitahan dahil may mga referral commisions at benepisyo na nakukuha. obserba ko na ito sa ibang site kaya mahalaga tlga na ang mga taong sumasali sa ganitong komunidad eh may malalalim ding rason kung bakit sasali.
Siguro ay kapag nagkaroon ako ng oras, nais kong ibahagi sa lahat kung bakit ako napaparito. Well, kasama na don syempre ang kumita ng pera pero mas may malalim pang dahilan sa totoo lang.
Salamat @ayane-chan sa pagbabasa! ❤️🙌
love this bit. 😊
Maraming salamat @chichi18 🥰🥰
no worries! 😊
Very well said! It's because that is what you got, you tend to share it to others. Ang nosebleed basahin ng purong Filipino 😂
Maraming salamat sa pagbabasa @wittyzell pero dahil nasa buwan ng wika pa tayo eh pipilitin kong makipag usap ng purong tagalog haha. 😂😂
Malaking tulog sakin Tong post mo sis, kasi yun Ibang Community dito hindi ko pa Alam. Hindi pa ako nakakaikot talaga dito.