Borawan Quezon | Isa Sa Mga Paborito Kong Pasyalan.

13151763_1723799944559646_283788310114827480_n.jpg

Oliver at April taong 2016

Nabanggit ko na sa aking mga lumang blogs na hindi talaga ako mahilig lumabas ng aming tahanan. Ang mundo ko ay umiikot lang sa bahay, trabaho at simbahan. Paulit-ulit depende sa araw.

Habang nag-iisip sa isusulat sa paboritong pasyalan, napag pasiyahan ko na lamang na ibahagi ang isa sa mga hindi ko malilimutang biyahe palabas nang Maynila.

Mayroon nang nalulutong team building noon pa ang aming team sa trabaho ngunit hindi parin mapag desisyunan kung saan ba talaga kami tutungo. Pansol ang naisip nang iba o kaya naman ay kumain sa labas nalang ngunit dahil narin sa medyo nakakasawa na ang lugar na nabanggit napag pasiyahan nalang nang aming grupo na magtawid sa dagat para naman maiba.

Matapos ang aming shift ng Biyernes, sabado nang umaga sinundo kami nang van na aming sasakyan papunta ng probinsya ng Quezon. Kung sa aking pagkakatanda, inabot kami nang lima o anim na oras bago namin marating ang lugar na yaon.

13177764_1723801034559537_3615841719203760031_n.jpg

Bago mo marating ang isla nang Borawan ay kailangan mo munang sumakay ng bangka. Payapa ang dagat at hindi malakas ang alon. Ang bilis nang aming sasakyan ay tama lamang para hindi kami mahilo at makapag tsismisan sa sasakyan. Malinaw at malinis rin ang tubig ngunit ito ay malalim kaya't hindi kami ganong kalikot sa aming biyahe. Habang nagbabalik tanaw, naalala ko na ang bangkang de motor ay katulad nang pangkaraniwang bangka na ginagamit sa pangingisda. Manipis at makipot na kung malakas ang magiging anod ay maari kaming anurin ng tubig.

13133347_1723800524559588_1174916636369373615_n.jpg

Puti rin ang kanilang buhangin kaya sa aking pag-iisip na kaya siguro Borawan ang natawag sa nasabing lugar ay kinuha ang inspirasyon sa Boracay, hindi na ako nakapagtanong sa mga lokal dito dahil hindi pa naman ako content creator nang panahon na ito at isa parin akong mahiyaing tao.

13177054_1723800351226272_8275957238747143311_n.jpg

Mayroong mga maaring tuluyan na inn sa ibang lugar ng Borawan ngunit napagdesisyunan ng aming grupo na i experience ang pag ca camping. Nag renta kami ng tent at iyon ay ang aming ginamit sa buong araw na pananatili namin. Nagluto, naglangoy-langoy at natulog na kami nang sumapit ang dilim.

Mayroon namang kuryente sa mga kabahayan ngunit sa mismong aming pinagtigilan ay wala. Malamig naman ang hangin kaya't ayos lamang.

13139201_1723800924559548_105758731916602187_n.jpg

Dalawang araw at isang gabi lamang ang aming itinagal sa isla, dahil araw ng Lunes kami ay babalik na ulit sa trabaho. Masaya ang naging karanasan ko dahil sa unang beses akong nakaligo sa malinis na dagat. Ang Laguna de Bay ay isang lawa at napakarumi. At symore nakapag usap kahit papaano ng sa buhay kay April.

13177368_1723799714559669_438643835387187737_n.jpg



0
0
0.000
22 comments
avatar

Nakaka-inspire naman ang blog na ito. Parang gusto ko rin mag-blog sa Tagalog. !LUV it. 😊

0
0
0.000
avatar

Hahah go juan! May 2 weeks prompt ako na nakapin sa Tagalogtrail.

0
0
0.000
avatar

Tingnan natin kung kaya ng powers ko mag blog sa Tagalog in the next two weeks. Hopefully...

0
0
0.000
avatar

Ang ganda jan. Nakakatuwa. Haha. Muntik nang abutin ng tubig yung tent namin kasi nataas pala ang tubig pagdating ng gabi. Hahaha.

0
0
0.000
avatar

Hahaha nakoo ishare mo na yang buong chika sa blog!

Parang di namin na experience dun sa lugar namin mars yang ganyan pero totoo na nataas yung tubig gawa nung isang island di namin napuntahan at high tide daw

0
0
0.000
avatar

Wow! Meron palang Tagalog Trail dito sa Hive. I am now a fan.

!LOLZ

!BBH

0
0
0.000
avatar

hahaha nako meron medyo matagal na pasulpot sulpot lang at busy ako. You can join the community and even join the prompts pag wala kang maisip na iblog. Hanggang katapusan meron kang pwedeng maisulat.

0
0
0.000
avatar

Oo nga. Mas madaling magsulat sa Tagalog.

0
0
0.000
avatar

G lang! The goal is to create at least 1 post sa isang araw. Sayang ang potential Hive earnings

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Oo nga. I just shared the community on my Facebook profile. May nagcomment na, "ok daw" ang ideang ito.

0
0
0.000
avatar

Cool! Hopefully people will be interested to join at magsulat ulit sa Hive 🙏

0
0
0.000
avatar

we were there in around 2005/6 and they were yet to market the place as "Borawan". Padre Burgos was a small far-off town but has beautiful places like this. It's really a lovely place especially while not yet highly commercialized. Ate fresh sea urchins and swam freely. One of my best experiences as a student.

0
0
0.000
avatar

Oh my! Tagal na pala talaga nito.

Di kami naka free swimming sa buong area dito may designated space lang kami hahha marami kasing jelly fish tapos may marshall na nagbabantay sa amin to check na walang mag papasaway.

One of best experience din talaga. Walang nag offer sa amin ng sea urchins hahah daya! Been thinking parin kung ano ang taste nya.

0
0
0.000
avatar

Bisita kami ng mayor kaya na-tour kami hahaha! Well Accessible ba siya ngayon to tourists? Balita rin kasi dati may mga NPA pa sa lugar na yun hehe.

2016 pala ito sa iyo, but at least naging local tourist destination na siya even then hehe

0
0
0.000