Anunsyo ng mga Nagwagi sa Ikalawang Linggo
Mabilis lamang natapos ang ikalawang Linggo, kumpara sa mga nakaraang prompts ay masasabi ko na mas marami ang nakilahok sa ating mga prompts na sinaggest na isulat.
Dahil narin sa tayo ay mas maraming nagpost ay mas lumaki din ang diperensya ng kailangan na idistribute sa mga kahalok ang 5 Hive at 162.50 na Ecency points ay hinati-hati sa mga sumusunod na tao.
Hive User | Numero ng Entry | Hive Reward | Ecency Reward |
---|---|---|---|
@lolodens | 3 | 1.666666667 | 54.16666667 |
@juanvegetarian | 3 | 1.666666667 | 54.16666667 |
@artgirl | 2 | 0.8333333333 | 27.08333333 |
@jonalyn2020 | 1 | 0.4166666667 | 13.54166667 |
@fixyetbroken | 1 | 0.4166666667 | 13.54166667 |
Sa ngayon ay masasabi ko na malaki na ang naging improvement ng ating mga numero bagama't parang kaunti ay umaasa parin tayo na sa mga susunod na panahon ay mas dumami pa ang magsusulat sa wikang Tagalog at mas maging diverse pa ang mga content na malilikha dito.
Ano ang tingin nyo sa tula? Maganda kayang magkaroon ng patimpalak ukol dito? O kaya naman ay art contest ngunit ang magiging hurado ay hindi taga Hive para hindi bias ang panghuhusga?
Nag-iisip pa ako kung paano pa tayo mas magiging aktibo sa platform na ito at sympre kailangan ko parin ng tulong mula sa inyo. Mas marami ay mas mainam. Suggest kayo ng pakulo at tignan natin kung uubra para naman may iba tayong aktibidades dito sa platform.
Kung mahirap parin ang prompts nugagawen?
Hanap ka lang ng hindi mahirap. Hindi dahil sa wala kang makitang madali ay hindi ka na magsusulat subukan mo gawin kahit once a day lang sa pag ha Hive tapos the rest comment ka nalang sa ibang post mga ganun. Depende talaga sa trip mo din yan. Basta magkaroon ka ng activity sa chain.
Upgrading ng Member Roles
Leave lang kayo ng comment kung gusto nyo i pa-change ang status ninyo as members. Yung mga regular na posters, pinapalitan ko na agad ang role din. Pag gusto nyo ng personalized na name pwede naman basta ilagay nyo lang kung ano para ma change ko.
P.S. nag opt si Ruffa para sa mga rewards para mag give way sa mga sasali. Clap clap sa kanya for being so supportive talaga.
Gz sa mga nagwagi!
Naisip ko lang, baka mas OK yung mga prompts na mas general pero related pa din sa Pinoy like
Para mas malaki yung chance na mag kakaiba ang laman ng content namin.
(nakiki epal lang. hahaha! Mag tratrabaho na nga ako, 7:00 na pala)
Kukuha ako dito heheh push!
Salamat sa reward.😊😊
Salamat TP.🥰
Parang gusto ko rin yung patimpalak sa tula, o kaya maikling kwento.. 😅
Heheh making this happen now. Creating the drafts.
Oi, congrats sa mga nagwagi!
Saka bet ko yong tula, sabay samahan na rin ng gumawa ng fiction na kwento tapos with themes. Parang mas challenging lang hahaha. Pero mas masaya, translate nalang sa english kapag di tinamad yong maga join hahaha.
Oks ang tulaan at fiction! Tapos kuha ako ng judge from somewhere hahaa sana may mga sumali gusto ko nadin mag sulat din ng tula.
Ay sya go na, planuhi na yaan!
wehehehe na post na.
Maraming salamat, Ginoong @tpkidkai. Magaganda ang mga suggestion sa comments. Sana nga ay mas maraming magpasa ng kanilang akda sa mga prompts natin. !LUV it. 😎
Hahah salamat ginoong Juan! Yes ang gaganda ng input! Isasama ko yan para sa mga ganap sa susunod na prompt!
Mabuti kung ganoon. 😊 Magandang araw sa iyo. 🇵🇭 🇵🇭 🇵🇭
Oh... kasama n ba riyan yung retro for me? 😁
Ok lng nmn siguro tula. Kaso shempre alam m nmn mga iba dyan, magrereklamo pag mataas ang upvote pero poetry lang sinulat. Hahaha. Oh well papel.
Hahaha kasama na yung retro dyan 😆.
I will include the one's na nilagay nila for prompts for sure!
Salamuch!!!