Suportado ko ang Divorce Dahil...

IMG_20240603_162236.jpg

Ang kasal ay isa sa tingin ko ay pinakamagandang mangyayari para sa isang magkasintahan. Nalaman ko ang halaga ng "kasal" noong nagsimula akong mag basa nang tagalog romance pocketbook na aking kina adikan noon, e-mention ko lang ang Precious Heart Romances, isa sa paborito kong pocketbook noon hanggang ngayon. Naaalala ko pa kung paano akong nabaliw at kinilig na kada magtatapos ang isang kwento, ang dulo at wakas nito ay ang kasal o kaya naman ay honeymoon na, lol.

Minsan na din akong nangarap na makasal or malagay sa ganiyang sitwasyon noon kasama ang aking dream boy, lol. Nangarap akong ma-ikasal sa isang bilyonaryo na inlab sa akin, tapos ipag tatayo ako ng mansyon at ipapangalan nya sa'kin. Sa mga kapwa ko reader, for sure, pamilyar sila sa ganitong mga kwento, lol. At nakakalungkot lang na wala pa siya til now, huhu, charot lang, hihi.

Seryoso na us (≧▽≦).

IMG_20240603_162805.jpg

Ang kasal para sa akin ay sagrado, lalo na at may basbas ito sa simbahan. Noon, kapag nangyari na at nakasal kana, wala nang atrasan at hindi kana pwedeng bumitaw. And alam nyo naman kapag nag sama na ang mag asawa, diyan mo palang talaga malalaman ang tunay na ugali ng isa't isa. Pero yon nga, wala na, di kana pwedeng bumitaw pa at dapat pangatawanan na dahil "siya" ang napili mong kapareha. Ganito ang kasal para sa akin, "noon."

Never kong naisip na sasang-ayon ako sa divorce noong mga panahon na yon, pero iba na kasi ngayon ಥ_ಥ. Parang yong ibang tao, di na din pinapahalagahan pa ang kasal, dahil nakukuha pa ring mangabit, parang kay dali nalang din sa kanilang sirain ang tiwala na ibinigay sa kanila ng kapareha nila. Ang dami kong kakilala na ang bongga ng kasal, gumastos pa ng mahal at umiyak pa sa altar, pero sa huli.. wala rin. Sa hiwalayan din ang ending. Sinira nila yong pangako nila sa harapan ng altar, "til death do us part."

IMG_20240603_163333.jpg

Approve sa akin ang Divorce hindi dahil wala na akong tiwala sa "kasal," kundi dahil mas makabubuti ito sa dalawang taong dating nangako na magsasama hanggang dulo pero naghiwalay, at para makapag simula ulit sila, at para lang mabigyan pa ng chance na mahanap nila yong happiness na deserve nila. Hindi naman kasi nila maiisipan yan, kung wala silang valid reason. Dzibahhh? Sasabihin pa nong iba, para nalang sa anak, pero what if mas lalong nasasaktan ang anak dahil ramdam na nyang wala nang "love" between the parents?

Yon lang, bye bye!



0
0
0.000
15 comments
avatar

Congratulations @ruffatotmeee! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You have been a buzzy bee and published a post every day of the week.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Our Hive Power Delegations to the May PUM Winners
Feedback from the June Hive Power Up Day
Hive Power Up Month Challenge - May 2024 Winners List
0
0
0.000
avatar

What, really 🤩, never thought we have this reward. Thank you ✨🤩

0
0
0.000
avatar

HAHHAHA push dito Ruffa atleast diba may pa award ka na weekly author na. Shala!

0
0
0.000
avatar

Hahahahaha, push kung push na to, nangyari dahil sa Tagalog Trail hahaha

0
0
0.000
avatar

You're welcome @ruffatotmeee, it's well deserved! Congrats on your constant involvement on Hive 😊👍

0
0
0.000
avatar

Thank you for sharing your opinion about this matter. And yes, I also agree to divorce. People who are not lucky in their marriage still deserves peace, freedom and a chance to be loved again.

0
0
0.000
avatar

Right, at least they will get the chance to be happy again even though their marriage fail.

0
0
0.000
avatar

Generally, I don't agree with concept of divorce, especially kapag me mga anak na. Sila kasi ang pinaka apektado kapag naghiwalay ang kanilang mga magulang.

Sa kabilang dako naman, kung magkaka divorce dito sa Pilipinas, dapat kapag mayroon lang mabigat na kadahilanan tulad ng pananakit, pambabae/panlalaki o iba pang mabigat na dahilan.

Ang masakit kasi, kapag nag hiwalay ang mga magulang... malaki ang chance na ang mga anak, pagdating ng panahon, yun din ang mangyayari sa kanila.

0
0
0.000
avatar

So true din, masakit din naman maranasan ang broken family. And yep, pwede, dapat yong mabibigat na rason lang like what you mentioned and that pananakit, lalo na to. Ginagawang punching bag ang mga babae.

0
0
0.000
avatar

Nakupo! Wag me gawing punching bag at hahabulin ko sya ng kambal na Samurai ko!

0
0
0.000
avatar

Diba? Maraming kababaihan ngayon, nagtitiis na lang kasi wala na silang choice. Syempre, meron din naman kalalakihan na minalas din sa napangasawa pero ayan na, kasal na, kaya ang hirap mag move forward para sa knila.

Tulong para sa mga taong ito ang divorce bill kaya ako rin, kahit di ko naman need, syempre, agree rin ako.

0
0
0.000
avatar

At isa pa pala, sa ibang taong masama kapag nakipag relasyon ka kahit kasal pa, ni hindi nila alam na parehas napag kasunduan nong dating mag asawa yon. At least with divorce, mas magiging legal na diba, di na siya magiging masama mata ng mga marites na kala mo naman ay kalilinis, haha

0
0
0.000
avatar

Same, agree din ako sa divorce! Mas better hiwalay na lng kaysa lumaki mga anak sa toxic na pamilya

0
0
0.000
avatar

Diba, ang mas nakakaawa kasi ang bata lalo kapag na feel na niyang wala ng love. Aigoooo

0
0
0.000
avatar

Hmmm WA na ko say parte dito kasi mga dahil lang divorce dito sa pinas, sa US Ako dinivorce ng late hubby ko at Wala along nagawa dahil sang-ayon ang mga Kapatid nya sa US sa dahilan na "for greener pasture". Kaya hayon, ang Masaya naming buhay ay naging Isang masamang bangungot! Kaya 100% pabor ako sa divorce kasi Wala na akong i-divorce eh! Nyahaha!

0
0
0.000