Paano nagsisimula ang araw ko? Simple lang naman...

Paano nag sisimula ang araw ko? Hmmmm, nagsisimula ang araw ko sa pagmulat ng aking mga mata, kapag napansin ko na madilim pa at super aga pa like mga 4 o 4:30 am, syempre ipipikit ko ulit si eyes para bumalik sa pag tulog, the end. Eh ikaw?

Charot, lol, heto na naman ako sa walang sense na intro, heh ¯_ʘ‿ʘ_/¯.

Wala naman atang difference kung paano ko simulan ang araw ko at kung sa paano nyo sinisimulan yong sa inyo. Paulit ulit lang na, babangon, pero hindi para sa kanya kaya ako bumabangon. Wala ako nong "siya," "niya," at "kaniya," ang meron lang ay ako, ako, ako. Ah, meron palang difference no? Aray, sinaktan ko na naman si self (っ˘̩╭╮˘̩)っ.

Pero seryoso na, bumabangon kami minsan at 5 or 5:30 a.m, maliwanag na din yan. And alam nyo naman sa probinsya diba, maaga talaga lagi ang gising ng mga tao. Sa inyo ba? Pero syempre maaga din ang tulog namin, alam mo ba na ang 9 pm ay masyado nang late para sa amin? Ang tulog kasi namin talaga is 8 or 8:30 a.m, pero ngayon mas pinaaga pa. Masayang matulog ng maaga at magising ng maaga, sa totoo lang. At masasabi kong "lucky me" dahil ganiyang oras ang tulog at gising ko, namin pala. Pasintabi lang sa mga laging late matulog at kakarampot na oras lang ang naitutulog dahil sa work, sana ay biyayaan pa kaya ng lakas ni Lord para maipag patuloy pa yan.

Dati kasi kasama sa schedule ko ang pag bubukas ng store namin kaso mo nga, naoperahan ako diba, so di ko na kayang magtaas nong roll up sa ngayon. Ang unang una kong ginagawa sa umaga ay ang mag salang nang takuri para magpakulo ng tubig, then habang nag aantay akong kumulo, maghihilamos naman ako, walang sabon yan kaya segundo lang, tapos na. Yan din siguro rason bakit medyo makinis ang face ko, well, yan ay sabi lang nang Mommy Ding. Pagkatapos niyan, diko pupunasan, hinahayaan ko lang na matuyo ng kanya. Tapos pagkatapos, mag pupunas punas naman ako ng lamesa, ng kalan, tapos yong lababo na nabasa.

Pagkakulo naman ng water, saka naman ako lalabas para bumili ng hot pandesal. Ang pandesal pala sa amin ay limang piso na ang isa, with cheese naman. Kamusta naman diyan sa lugar niyo? Ito pala yong nabili kong pandesal at saka yong tinimpla kong kape, syempre ni request ko talaga dun sa tindero na "tastado" na pandesal and gusto ko. Suki naman na nila 'ko sa totoo lang, so kapag nakita na ako ang bumili matic, pagkalapit ko don, "tastado ano?" Itatanong pa ga ay alam na nga. Charot, haha, di ako galit ha (≧▽≦). Ah, nga pala, anong aga pero gulping init sa amin, kaya ayan, ang aga ding nalaspag ni mini e-fan ko, aguy ah.

Ay syempre, hindi naman pwede na kami laang kakain, dapat pati mga pets diba. Kasama na yan sa araw araw na inaasikaso ko. Ang pakainin ang mga pets at minsan pa nga ay maging kalaro nila, lalo na dito sa bubwit na ire. Itong mga adults, favorite na talaga nila ang cat foods, kumakain naman sila ng rice pero di ganon karami, compare kapag cat food ang ipapakain. Dito naman sa mga malilinggit na ito, rice or cat foods, oks na oks yan sa kanila. Saka ito sila, kahit sabaw laang, kakain yan, di kagaya nitong malalaki, anonh pipili ay kala mo ga ay kayayaman, kainaman na, lol.

So pagkatapos nito, I'm free to do whatever I want na. Same process nalang din naman kasi pagdating ng tanghalian at hapunan. Tapos tambay sa Hive para maki chismis, lol. Ah, about pala sa mga dahon na'to, inilahok yan nang mama sa pritong isda kaninang tanghali, talbos ng kamote y'all! Hihu

So yon lang, bye bye!

IMG_20240605_160148.jpg



0
0
0.000
9 comments
avatar
(Edited)

Maaga din nagigising ang mga tao sa amin ate Parot dahil sa tilaok ng mga manok haha. By the way, ngayon na lang ulit ako nakapag-open. Hindi ko na rin po pala mahanap yung hiveph sa discord haha baka tinanggal na nila ako. I've been inactive for quite a long time naman din kasi. Gusto ko sanang personal na sabihin pero pasuyo na lang ate parot haha. I just want to say po na sobrang thankful po ako for everything po na shinare and naitulong ng community na ito lalo na ang hiveph. Yung naipon ko noon ay nakatulong talaga sa 9 months na pagrereview ko. And I just want to share lang din po my success kasi CPA na po ako ngayon through God's grace. Thank you po ulit. 🙂

0
0
0.000
avatar

Ay isa pa yan na magandng pampagising ay hahaha. Kaya nakakainis din minsan lol

Omg, congratulations naman ✨✨🤩, apakagaling naman talaga ay. Good job 👏👏💪. Pero ypu know pwede ka naman bumalik dun anytime, wewelcome ka ulit nila dun for sure

0
0
0.000
avatar

Uy Congrats! Balik ka sa discord anytime :)

0
0
0.000
avatar

Super aga Yung 5:30 for me haha .. kung dto sa HK, gustong gusto ko pa nyan matulog..

Pro nung nag bakasyon ako sa pinas, d ko need ng alarm, nagigising ako mga 6.. cguro nasanay na katawan ko kc past 6 gising ko dto...

0
0
0.000
avatar

Hahaha, sa totoo lang naman talaga super maaga pa sya 🤧

Yony kahiy gusto pa sana mag babad sa higaan ano. Kaso katawan ang problema 😆

0
0
0.000
avatar

Ako late Ng natutulog, late na ring gumigising😄. The same routine din everyday😁

0
0
0.000
avatar

Haha, ganon naman dapat para ay least mahaba pa rin sleep, okay lang late na magising uwu

0
0
0.000
avatar

Baligtad tayo sympre dahil magkaibang timezone hahah. Pero maliwanag na dito ang 5:30 mga 5 pa nga lang liwanag na.

Pandesal 5 din at may kapirasong cheese nadin naman sya kahit paano hahah.

0
0
0.000
avatar

Hahaha yang kapirasong cheese talaga ano hahaha. Di manlang ni spread baga para kada kagat sana ay may cheese haha. Haha hanggang limanh kagat, tinapay lahat ee hahaha

0
0
0.000