2nd Week of "Buwan ng Wika" Contest - How Can I Contribute to Hive?

avatar

Pakikisama. Sa una mahirap gawin pero kapag nakabisa mo na at bihasa kana kusa nalang lilitaw sayo. Yong di mo namamalayan sa lahat ng tao ang bait bait mo. Kapag may nakasalubong kang bago dito tapos nagtanong sila kusang loob mong ilalahad ang kamay mo. Yong kusang magbibigay ng tulong dahil napag daanan mo rin ang ganon nong nangangapa ka palang na parang bagong silang na pato.


png_20220812_162629_0000.png

Sa pakikisama mag sisimula ang lahat. Na makabubuo ng isang magandang samahan at magdadala sa inyo sa iisang destinasyon. Magkaiba man ang tadhana, magkaiba man ang uri at ang pinagmulang bansa. Magkaiba man ang lengwahe o magkaiba man ang tinahak na daan. Sa dulo, magsasangga muli ang mga landas nyo. Maaaring magkaiba ang tropiyong hawak, pero sa dulo iisa lang ang nakamit nyo. At yon ay ang parehong tagumpay na naabot nyo.

---

"Sharing Article Links that can Help them"

Screenshot_2022-08-12-11-22-40-65_40deb401b9ffe8e1df2f1cc5ba480b12.jpg

"Nawa'y na-enjoy mo ang experience mo dito. Nawa'y hindi ito ang huli na dadalaw ka dito. Sa iyong pagsisimula baka maaaring bisitahin mo ito. Dahil eksakto sa nakalahad dito ang mga nagawa ko bago ako nagsimula dito. Ito ang link, e click mo lang, promise may matututunan ka dito." Simpleng pagbibigay ng mga mga Link kong nasaan ang mga mahahalagang Tips para makapag simula sila dito. Simpleng paglapag, pero sa tingin ko'y malaking ambag na din ito. Hindi lang sa bago, kundi na rin sa platform na ito.

---

"Delegating new user for them to have a good start"

Screenshot_2022-08-12-11-23-49-54_40deb401b9ffe8e1df2f1cc5ba480b12.jpg

"Ahhhh, bago. Nagsisimula palang malamang account nya'y limitado. Sa kahit anong galaw, comment, reply, reblog at pag publish ng kanyang unang Artikulo. At dahil pinag daanan ko ito bakit hindi ako magpahiram ng balang gagamitin nya sa pakikipag sapalaran sa Hive platform na ito. Panigarado, hindi man ganon kalakas ang balang naipahiram ko, alam ko sapat na ito para siya'y makaligtas sa unknown space na ito. Alam ko maliit, alam ko hindi gaanong sapat pero sa tingin ko'y sapat na para matugunan ang uhaw ng kahit na sino.

---

"Giving Insight about how Resource Credits works and some others"

IMG_20220812_115146.jpg

Diko man ganon kagamay, diko man alam ang pasikot sikot pero sa mahigit isang buwan ko dito hindi lang naman ako nag sitting pretty. Sa mahigit isang buwan na yon may natutunan din naman ako. Kung kaya kong ipaliwanag, ibabahagi ko sa iba. Ipapaliwanag sa abot ng aking makakaya. Susubukang sagutin mga katununga'y aking lilimiin. Para sa bago ako'y makatulong din. Sa simpleng tulong na yan, sa simpleng pag bahagi ng kaalaman, lahat ng yan malaking bagay na sa ilan.

20220714_175943_0000-removebg-preview.png

Simpleng aksyon, di ganon ka bongga kong iyong susumahin. Pero para sa iba, para sa mga bagong salta, sobrang laking tulong na yan. Alam ko ang pakiramdam na para kang nangangapa sa dilim sa isang unfamiliar na lugar. Nong naranasan ko nga dito napatakbo nalang ako at di nagbalak pang balikan. Natakot dahil baka mali ang tinatahak na daan. Pero dahil may nag bigay ng assurance, may nagbigay ng guidance - Nakabalik ako, nakapag simula ulit at may baon ng sapat na kaalaman.

At ito rin ang gusto kong gawin - ay teka, nagawa ko na pala. Kasalukuyang ginagawa pa at gagawin ko ulit. Marami pang darating syempre. Hindi yon magtatapos dito. Imagine naka tulong kana sa bago may ambag kapa sa platform. Bakit ko nasabi? Kasi hindi sila tumakbo katulad nong ginawa ko. Nandito na sila at nag uumpisa na. Dagdag na mga user na nakakaalam ng existence ni Hive. Kapag nag decide silang ibahagi din sa ilan yan di ang dami ng nadagdag na bago. Mas masaya yon.

Alam ko maliit, alam ko di ganon kalaking contribution para sa Hive. Pero masasabi ko namang nakakapag ambag ako kahit papaano. Patuloy pang mag aambag basta kaya ko. Bago lang ako kaya di pa ganon kalaki, pero sana kapag nangyaring lumago na din ako pati ang account ko, sana'y diko makalimutang magbigay ambag pa sa platform na ito. Para sa mga bagong dating, para sa nga darating palang, at para dun sa mga nagbabalak palang na bumalik ulit, parang katulad nong nangyari sa'kin.

20220714_175943_0000-removebg-preview.png

Nagpapasalamat akong may binalikan pa'ko dito, ni welcome ulit at ngayo'y patuloy na napapaganda ang account ko. Kaya kayo, sa iba or dun sa nagbabalak palang na bumalik. Make sure na sa Hive kayo babalik at hindi sa EX nyo. Dahil kung sa Hive, sure na sure na welcome ulit kayo.

20220714_175943_0000-removebg-preview.png

THANK YOUR FOR READING!!

August 12, 2022
©️Credit to @hiveph for my Lead Image Logo



0
0
0.000
31 comments
avatar

Ahoyyy, grabedad ang mga salita. Pakiramdam ko'y para baga akong nagbabasa ng isang matalinghagang artikulo ng isang Crisostomo Ibarra.

Ehe, wari ko'y guato ko na din magsulat. Oras na lang ang kulang. 🙈

Alam mong isa ka sa mga iniidolo ko talaga dito na baguhan. Datapwat marami ka ng natulungan, kinakaya mo pa din makisama. Kudos sa iyo Ruffa!!! Itodo mo pa!!! ❤️🥰✨

0
0
0.000
avatar

Hahahaha charrrr, sankyuuu 🤣 arat na aba. Wetsung namin version mo ah

Magaling akong makasama. At ginagawa ko kasi talaga yan kasi mas guato ko g magkaroon ng mas masayang experience with everyone Uwu

0
0
0.000
avatar

Hihi dahil jan ayun nga at nakapag post na. Nakaka motivate ang blog mo kagabi eh. Keep it up @ruffatotmeee !! Alam ko madami ka pa taong matutulungan. ❤️🥰

0
0
0.000
avatar

Congratulations @ruffatotmeee! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):

You distributed more than 500 upvotes.
Your next target is to reach 600 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!
0
0
0.000
avatar

Nosebleed naman eto Panda Panda! Pwede ka nang ghost writer ni Jose Rizal.

Mga pinoy talaga magaling makisama kahit hindi bet ang mga kasama, hehe!

!PIZZA

0
0
0.000
avatar

Nuxxxz enebeee kenekeleg me. Charrrr hahaga. Diko na nga alam if tama ba ginagawa ko jan haha

0
0
0.000
avatar

hahahha nosebleed ruff grabeh idol tlga kita sa deep tagalog tsaka tawang tawa ako sa pag explain mo sa rc hahahahahahhaa

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Hahahaha yiehhhh, masaya mag tagalog basta wag masyado malalim hahahaha. Ang obob ko baga talaga mag explain kala mo lanh HAHAHAHA

0
0
0.000
avatar

Isa ka talaga sa mga hinahangaan ko pagdating sa pakikisama. Tunay ngang tutulong at tutulong pa rin hanggang sa abot ng makakaya. Ang galing mo mag tagalog, sana all!

0
0
0.000
avatar

Hehehe charrrr. Basta sa pakikisama gora lalo malaki ang magiging influence sayo ng pakikisamahan mo. Yong maakli ang magigain na knowledge bukod sa pagkakaibigan 🥰

0
0
0.000
avatar

Napakamatalinghaga naman ate, ang lalim! hehehe. Ang galing galing mo sobra ♥️😍

0
0
0.000
avatar

I think delegating to your friends is one of the best ways to show your contribution and willingness to onboard new users in the community.

Cheers for more Hiveans 🥂

0
0
0.000
avatar

Yep I think so too. That's why Ill continue to do that pa hihi

0
0
0.000
avatar

ang galing naman madam.. mas active pa kayo dito kaysa sakin na matagal na hehehe

0
0
0.000
avatar

Kung si Lau may pa e-book, ikaw naman may pa delegate. Yaman ni Madammms uh.

0
0
0.000
avatar

Hanlupeeet! 😁 Haha pero nakakanosebleesd talaga pag purong tagalog ay di maiwasan mapa english mehehe!

0
0
0.000
avatar

Ang galning mo magsulat sa tagalog! amazing. 😊

0
0
0.000
avatar

Make sure na sa Hive kayo babalik at hindi sa EX nyo. Dahil kung sa Hive, sure na sure na welcome ulit kayo.

Ito ang d'best line of all. hahaha. !LUV ko ang post na ito. Congrats at maraming salamat, @ruffatotmeee. Ganyan dito sa Hive, maraming tutulong at magiging kaibigan. Pag naliligaw ka ay may magbibigay ng tamang direksyon, pag nawawala ka ay tutulungan ka makabalik - hindi sa EX, kundi sa pag likha ng makabuluhan at magagandang blog post. 😁

0
0
0.000
avatar

Hahahaha SALAMAT po ☺️. Yayyy, Im super thankful na very welcuming talaga sya. Specially other user din. Sana talaga lahat ng umalis na nagbabalak bumalik ee di na mag dalawang isip pa na bumalik.

0
0
0.000
avatar

Walang anuman. Totoo. This is the best online blogging community on the web talaga, with the best opportunities to earn from different activities. Good job on your part! 👍👍👍

0
0
0.000