Ako Muna

IMG_20240913_212216.jpg

Lahat tayo ay may dinadalang problema. Hindi lang naman ikaw ang napapagod o di kaya’y nasasaktan. Hindi mo lang ako naririnig magreklamo kasi bihira lang ako magsalita. Ngunit hindi ibig sabihin noon wala akong dinadala. Atsaka hindi lang ako mahilig magpakita sa aking mga drama. Ang hirap lang kasi ipapatulo ang aking mga luha. Nahihiya pero ‘di ako sigurado kung ano ang tamang salita sa aking nararamdaman.

Huwag mo naman sana akong ejudge kung sakaling tinutulak kitang palayo. Hindi ko lang kasi alam kung anong sasabihin o ‘di kaya’y tamang asta kung may taong nakapaligid. Pasensya na pero ‘wag sanang mamasamain pero minsan mas gusto kong ramdaming ang tahimik na paligid. Pinapakinggan ang ihip ng hangin at pagmasdan ang magandang tanawin.

Ang ganitong nararamdaman ay panigurado lilipas din. Minsan kasi may panahong pakiramdam ko ay halamang nalalanta. Oo, hindi nasisikatan ang araw o mas maigi sigurong sambitin na hindi nakikita ang ganda ng mundo. Kahit na oo, hindi naman talaga nag-iisa, ang pakiramdam lang talaga minsan ay Oo. Isa sa mahirap gawin sa buhay ay maging totoo ka sa sarili mo. Hindi mo alam kung mayroon kang masasaktan or masasagasahan. Mabuti pa ‘yung iba, walang paki kung ika’y nasaktan nila.

Mamuhay sa mundo ay masaya pero minsan ito ay mahirap. Hindi mo alam kung saan ka lulugar o saan ka tutungo. Laging may naka-abang na iibahin ang iyong pagiging tapat. Pero walang ibang may sala kundi ikaw o sya na nag-iisip ng nauna kung anong ang iisipin ng iba.

Mabuti pa ang ulan, hindi iniintindi kung sinong mabasa at sino ang gustong maligo nito. Sa bigat ng kanyang dinadala, gusto lang nyang magparaya sa pagbitaw ng nararamdaman. Oo, mayroon’g naiinis pero meron din naman’g nagiging masaya. Ang importante lang kasi, kung anong idudulot nito sa karamihan at hindi sa iniisip ng kukunti lang.

Kaya pakiusap ko ngayon na sana Ako naman muna. Ako naman ang magpalabas kung anong nararamdaman ng puso at kung ano ang bulong utak ko. Malaya sa pangungutsa ng iba at lalong malaya sa mapanghusgang lipunan. Ngayong lang, minsan lang gusto kong ako’y magpakatotoo naman. Ayoko lang magsinungaling sa sarili ko dahil ang bigat na.

Walang nawala. Walang naiwan pero utos ng sarili ko na ako’y mg luksa. Nakakahiya man dahil parang ako ay nagdadrama. Hayaan na lang kasi ngayong lang to at bukas wala na. Sa pagdating ng bukas, sana kalimutan na din. Gusto ko lang naman makaramdam na maging malaya sa kung ano man ang gusto ko.

Salamat

All content is my own unless otherwise noted
If images are being recycled, I just found it fit in my article.

ABOUT ME

IMG_20240214_093452.jpg

Paul was born in Macrohon, Southern Leyte but currently living in Cahayag, San Francisco Southern Leyte. He graduated the course of a BS Mar-E or Bachelor of Science in Marine Engineering in 2019. Although writing is his passion so instead of sailing he decided on writing.

He writes occasionally about random stuff he would see in the outside world. He loves to express what he feels through writing because he's not good at speaking personally.

He also writes fictional stories and emotions because he thinks life matters. He is hoping that his words could reach someone who might be feeling down.

Join me and support me through my adventures not just to the world but also to the human minds not to hate being alive.

You can find me here:

Medium
discord - mrnightmare89#2161
twitter
instagram

youtube



0
0
0.000
1 comments