WORK FROM HOME - Masaya nga ba?

image.png

Image Generated By Bing Image Creator

WORK FROM HOME! Sarap pakingan at totoong masarap naman na sa bahay ka nag wowork.

Sa ngayon ay madami nang company ang nag o offer ng WFH pero karamihan sa mga ito ay naka time in kapa din. Yung iba naman ay kailangan nilang i ON ang cam nila kasi minomonitor padin sila ng company.

Hindi ibig sabihin ng WFH ay pwede ka nang mag trabaho kung anong oras mo gusto, depende iyon sa kasunduan nyo ng Company.


Noong dumating ang pandemic ay nauso ang work from home at doon ako nag ka chance na maging employed ng isang company habang sa bahay lang ako nag wowork. Ang maganda lang sa company ko ay quota base kami, meaning may kailangan akong matapos na quota everyday, hindi ko kailangang ipakita na online ako ng working hours.

Ang importante ay magawa ko ang work ko.

hr.png

Bakit ako nag decide na mag WFH?

Noong 2010 ay nag resign ako sa trabaho ko at permanente na akong hindi namasukan simula noon.

Regular Employee ako dati na may may maganda gandang posisyon, Head Designer ako ng isang Clothing Company. Yes, hindi man halata sa mukha ay Fashion Designer ako.

Maganda ang huling trabaho ko, madaming Benefits, may bonus, 3 times a year nag tratravel pa ako with allowance. Although work related yung travel ko, since hindi naman buong araw ang work ay nakaka gala din ako kaya masaya talaga.

Pero after 9 years ng pag wowork sa company ay nag decide ako na mag resign at permanente nang wag mamasukan.

Wala akong ipon, wala din namang ibang malilipatan, merong mga sideline sideline pero hindi regular yon.

Ang meron lang ako ay ang Marketing Skill ko at Graphic Skills ko.

Sabi ko sa sarili ko ayaw ko na gumising everyday ng maaga para pumasok at mag intay ng 5PM para maka uwi, pag dating mo pa sa bahay ay pagod kana, at wala ka nang oras na gawin ang mga bagay na gusto mo.

pati nga pagkain nakakatulugan kona dahil pagod sa work at byahe.

Nag start ako mag freelance na halos equivalent ng WFH, ang pinag kaiba lang ay hindi ka employed ng company dito, iba iba amo mo at swerte mo kung may regular na project. Hindi katulad ng WFH na employed ka at swesweldo ka monthly.

ilang years din ako nag tiis na sideline sideline lang kasi noong time na yun ay dipa naman uso ang work from home.

Buti na lang hindi ako sumuko at bumalik sa pag tratrabaho, kase ngayon masaya talaga ako sa work ko.

hr.png

Sino ang pwedeng WFH?

Pero syempre hindi sa lahat ng tao ay pwede ang WFH setup, para maging WFH employee ka, kailangan mo ng skills na uubra para maging WFH ka.

Ilan sa mga pwedeng mag Work From Home ay yung mga tao na ang skills ay Creative like graphics, video editing, Research and Analysis, Writers, Finance and Accounting atbp.

Kung nag babalak ka na mag work from home, kailangan mo ng skills na meron ang mga ito, kailangan mo din ng computer sa bahay nyo na may magandang internet connection dahil ang WFH ay nangangailangan ng communication.

Kung wala ka nito mahihirapan ka mag start ng WFH.

𝙒𝙁𝙃 𝙠𝙖 𝙢𝙖𝙣 𝙤 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙚, 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙠𝙖 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙬𝙤𝙧𝙠 𝙠𝙖 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙝𝙞𝙧𝙖𝙥 𝙠𝙪𝙢𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙜 𝙥𝙚𝙧𝙖.



0
0
0.000
13 comments
avatar

Huwawwww fashion designer ka pala @lolodens?! Ang bongga!! Ang galing mo naman!
Swerte ng mga tao ngayon talaga, may option na kasi to WFH. Dati true, mahirap, di kasi sanay ang mga companies dati about this setup. Ngayon, at least openminded na sila.
So d ka na freelancer ngayon?

0
0
0.000
avatar

Nag Free Freelance padin kapag may projects, sayang din kasi, basta hindi lang kalaban ng Company na pinag tra trabahuhan ko. hahaha!!!

0
0
0.000
avatar

Congratulations @lolodens! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You got more than 300 replies.
Your next target is to reach 400 replies.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

Hive Power Up Day - June 1st 2024
0
0
0.000
avatar
(Edited)

Masuerte ako sa aking WFH kasi mabait ang mga boss ko(MGA Boss dahil nagtatrabaho ako directly sa COO at CEO). Actually, wala sa hinanap ko na makapagwork sa isang multinational publishing company base in Europe na pagmamay-ari ng isang British-Filipino family. Isang kaibigan ang nagpakilala sa akin sa COO ng maghanap ako ng sponsor para sa aking PWD na anak na ngayon ay pumanaw na. Bukod sa pagiging sponsor ng company sa anak ko inoffer sa akin na maging online ghostwriter/assistant editor ng COO at online shopper ng CEO. Bukod sa sahod ko kapag may mga tasks outside my job description, binayaran ako higgit pa sa standard salary sa Pilipinas. Generous sila. Hindi talaga sila naghaHire dahil family business NILA ito, meaning puro magkamag-anak at Ampon lang Ako. Nang mamatay ang anak ko, akala ko alisin na NILA ako sa trabaho pero hanggang ngayon tuloy pa rin ang WFH ko. NagEenjoy ako lalo na sa parte ng online shopping kasi ang CEO ko halos everyday nagpapaOnline shop at syempre pa, dami kong datung kasi pagkatapos ng online shopping task ko nagpapadala agad ng extra bonus si Boss for a job well done at...Tsibug na pinapadala sa driver niya o grab delivery. Kaya ko nasabing maganda ang WFH pero depende sa company o employer mo.

0
0
0.000
avatar

Masaya talaga mag WFH lalo na kung maganda ang Setup,gaya nga ng sinabi mo, depende sa company at employer mo. Kaya lang syempre, hindi lahat pwede mag WFH dahil may mga piling skills lang na pwede sa gantong setup ng work. Mabuti na lang isa ka sa mga taong may skills na pwedeng pwedeng pang WFH.

0
0
0.000
avatar

Natututunan nmn ang skills, Bro. If there's a will, there's a way. Dapat determined matuto at Imaster ang craft para umunlad sa buhay. Mag set ng goals at step by step gawin. Tama ka rin nmn na di lahat nababagayan sa WFH Lalo na Yung nagwowork sa production, engineering, carpentry, janitorial services unless kung mag shift sila ng linya at pagAralan ang panibagong uri ng trabaho kasi ito na ang realidad at kalakaran ng buhay ngayon.

0
0
0.000
avatar

Tama ka napag aaralan yan, kasi lahat ng skillset ko na gamit ko sa work pinag aralan ko lang 18 years ago. kailangan lang talaga disiplina at determinasyon.

0
0
0.000
avatar

Kung walang disciplina, tiyaga st determinasyon, hindi makakamit Ang minimithing pag-unlad.

0
0
0.000
avatar

Oks din naman ang mag freelance din. Yan talaga ang gusto ko noon pa Lodens kaso ang skillset na meron ako di papasa talaga eh.

Ngayon-ngayon nalang ako natuto sa mga graphics graphics na iyan, nag try din ako as writer kaso sa tamad kong taglay hahaha di ko kinaya ang workload.

0
0
0.000
avatar

Ako naman masipag ako basta nandyan na sa harap ko yung work, ang kinatatamadanko eh yung maghanap ng client. hahaha!

0
0
0.000