Handa ka ba sa Panahon ng Tag ulan?n - Life's Rainy Seasons (Tag - Eng)
Tag ulan na naman! Tulad din ba kayo ng mga langgam na nag hahanda sa tag ulan? Hindi sa literal na tag ulan na Rainy Season ha? Wala naman halos dapat paghandaan sa literla na tag ulan pwera na lang kung butas ang bubong nyo o lumulubog dyan sa lugar nyo.
Ang paghahanda sa Tag ulan ay pag hahanda sa panahong mahirap ang buhay. Parang noong Pandemic, madaming hindi handa noong panahon na iyon na yung iba napa alis sa bahay dahil walang pang upa, yung iba walang makain dahil nawalan ng trabaho.
Ito yung Tag ulan sa buhay natin. Kung isa ka sa nahirapan noong nakaraang Pandemic, dapat matuto kana ngayon na " Ay kailangan pala naka handa tayo sa Tag ulan" Ako naman, sa hindi sinasadyang pag kakataon o maaring blessing ng Panginoon ay nakahanda ako. Sa loob ng 2 taong Pandemic na yan ay hindi ako nahirapan, kahit pa walang perang ayuda mula sa gobyerno na dumating sa akin. May natangap naman ako, mga 2 beses akong nabigyan ng barangay ng 10 kilong bigas at de lata. pero syempre, alam nating hindi sapat iyon. Bago nag ka pandemic ay nag iipon na ako, hindi ko alam kung bakit ko din naisipan mag ipon, dito din nag simula ang panahon ng NFT games Life ko kaya bukod sa konting naipon ko ay kumikita padin ako. Sa ngayon patuloy akong nag iipon ng Crypto Currency, ang totoo ay wala akong balak galawin ang mga naipon kong crypto hangat walang tag ulan. Patuloy ko lang itong palalakihin hangang dumating ang panahon na kailangan ko na sya. kung sakali mang pag palain ng Panginoon na walang tag ulan na dumating sa buhay ko ay ipapasa ko ito sa anak ko para may nakatabi din sya sa panahon ng tag ulan.Bakit Crypto ang ini ipon ko at hindi pera sa bangko?
Nag iipon din naman ako sa bangko pero hindi malaki. Kung pera ang ini ipon ko at nakalagay ito sa bangko ay sobrang liit ng interest ng bangko. Kahit na bumabagsak ang Crypto nitong mga nakaraang lingo ay hindi padin ako lugi at mas malaki pa din ang kita nito kesa kung nilagay ko lang ito sa bangko.
Ang isa pang gusto ko sa Crypto ay hindi ko ito basta basta magagalaw dahil may withdrawal date ito. Eh paano kung kailangan ko na ng pera?
Syempre hindi lang naman Crypto ang pera ko, sa ordinaryong araw araw na pamumuhay ay yung sweldo ko sa trabaho ang ginagamit ko.
Paano mag ipon ng Crypto?
Magsulat ka lang ng magsulat sa Hive Blockchain, libre naman yan at walang bayad. Tapos yung mga nakukuha mo, wag mo na muna kunin, lalo na kung barya barya lang naman ang upvote na nakukuha mo.
Ang gawin mo ay i delegate mo yung mga naipon mong HP para kumita din sya at nang hindi natutulog. Yung mga HBD naman na nakukuha mo ay ilagay mo din sa savings para nag kakaroon ng interest.Huwag masyadong mainipin, walang magandang bagay ang nabuo ng ilang araw lang.
Ang pinaka huling masasabi ko ay Disiplina, kung wala ka nito, maghanap ka sa Lazada o Shoppe at baka may binebenta doon. Ito ang unang kailangan mo para maging handa ka sa tag ulan.
It's Rainy season again! Are you like ants preparing for the rainy season? Not in the literal rainy season, okay? There's hardly anything to prepare for in the literal rainy season unless your roof has holes or your area is prone to flooding.
Why do I save Crypto instead of money?
If I saved money in the bank, the interest rate is minimal. Even though Crypto prices have been dropping recently, I still haven't lost money, and the profit margin is still larger compared to if I had just left it in the bank.
Another thing I like about Crypto is that it's not easily accessible because there's a withdrawal date. What if I need the money? Of course, Crypto isn't the only money I have,for everyday expenses, I use my salary from work.
How do you save Crypto?
Just keep writing on the Hive Blockchain, it's free. Then, don't immediately withdraw what you earn, especially if it's just small amounts. Instead, delegate your accumulated Hive Power (HP) so it can earn for you even while you sleep. As for the Hive Dollars (HBD) you earn, put them in savings to earn interest.
Don't be too impatient, nothing good can be created in a few days.
The last thing I can say is Discipline. If you don't have it, you might find it on Lazada or Shopee. It's the first thing you need to be prepared for the rainy season.
𝘼𝙗𝙤𝙪𝙩 𝙏𝙝𝙚 𝘼𝙪𝙩𝙝𝙤𝙧
𝙄'𝙢 𝙖 𝙨𝙚𝙖𝙨𝙤𝙣𝙚𝙙 𝙜𝙧𝙖𝙥𝙝𝙞𝙘 𝙖𝙧𝙩𝙞𝙨𝙩 𝙬𝙝𝙤 𝙡𝙤𝙫𝙚𝙨 𝙜𝙖𝙧𝙙𝙚𝙣𝙞𝙣𝙜, 𝙬𝙧𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜, 𝙖𝙣𝙙 𝙙𝙞𝙨𝙘𝙪𝙨𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙫𝙖𝙧𝙞𝙤𝙪𝙨 𝙩𝙤𝙥𝙞𝙘𝙨. 𝙄𝙣 𝙢𝙮 𝙛𝙧𝙚𝙚 𝙩𝙞𝙢𝙚, 𝙄 𝙚𝙣𝙟𝙤𝙮 𝙬𝙖𝙩𝙘𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙆𝙙𝙧𝙖𝙢𝙖 𝙢𝙤𝙫𝙞𝙚𝙨, 𝙘𝙧𝙚𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙂𝙄𝙁 𝙖𝙧𝙩, 𝙖𝙣𝙙 𝙥𝙡𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙎𝙥𝙡𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙡𝙖𝙣𝙙𝙨. 𝙄 𝙖𝙢 𝙖 𝙂𝙤𝙙-𝙛𝙚𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩𝙞𝙖𝙣 𝙬𝙝𝙤, 𝙙𝙚𝙨𝙥𝙞𝙩𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙘𝙝𝙖𝙡𝙡𝙚𝙣𝙜𝙚𝙨 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙞𝙨 𝙬𝙤𝙧𝙡𝙙, 𝙥𝙪𝙩𝙨 𝙢𝙮 𝙛𝙖𝙞𝙩𝙝 𝙞𝙣 𝙂𝙤𝙙.
𝘾𝙤𝙣𝙣𝙚𝙘𝙩 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙈𝙚 𝙤𝙣 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙈𝙚𝙙𝙞𝙖
𝙃𝙞𝙧𝙚 𝙈𝙚!
𝙋𝙡𝙖𝙮 𝙒𝙞𝙩𝙝 𝙈𝙚
𝙍𝙚𝙛𝙚𝙧𝙧𝙖𝙡 𝙇𝙞𝙣𝙠𝙨
𝙉𝙞𝙜𝙝𝙩𝘾𝙖𝙛𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙞𝙤 𝙡𝙚𝙫𝙚𝙧𝙖𝙜𝙚𝙨 𝙖𝙧𝙩𝙞𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙞𝙣𝙩𝙚𝙡𝙡𝙞𝙜𝙚𝙣𝙘𝙚 𝙩𝙤 𝙘𝙧𝙚𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙪𝙣𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙩𝙬𝙤𝙧𝙠, 𝙤𝙛𝙛𝙚𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙨𝙚𝙧𝙨 𝙩𝙝𝙚 𝙖𝙗𝙞𝙡𝙞𝙩𝙮 𝙩𝙤 𝙚𝙖𝙨𝙞𝙡𝙮 𝙘𝙧𝙚𝙖𝙩𝙚 𝙤𝙣𝙚-𝙤𝙛-𝙖-𝙠𝙞𝙣𝙙 𝙥𝙞𝙚𝙘𝙚𝙨, 𝙟𝙤𝙞𝙣 𝘼𝙄 𝙖𝙧𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙡𝙡𝙚𝙣𝙜𝙚𝙨, 𝙖𝙣𝙙 𝙘𝙤𝙣𝙣𝙚𝙘𝙩 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙖 𝙘𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 𝙤𝙛 𝙛𝙚𝙡𝙡𝙤𝙬 𝘼𝙄 𝙖𝙧𝙩 𝙚𝙣𝙩𝙝𝙪𝙨𝙞𝙖𝙨𝙩𝙨.
𝙁𝙞𝙡𝙡𝙚𝙙 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙖𝙗𝙪𝙣𝙙𝙖𝙣𝙩 𝙘𝙤𝙣𝙩𝙚𝙣𝙩, 𝙚𝙛𝙛𝙚𝙘𝙩𝙨, 𝙖𝙣𝙙 𝙩𝙚𝙢𝙥𝙡𝙖𝙩𝙚𝙨, 𝙞𝙩 𝙘𝙖𝙩𝙚𝙧𝙨 𝙩𝙤 𝙗𝙤𝙩𝙝 𝙣𝙤𝙫𝙞𝙘𝙚 𝙪𝙨𝙚𝙧𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙚𝙭𝙥𝙚𝙧𝙞𝙚𝙣𝙘𝙚𝙙 𝙘𝙧𝙚𝙖𝙩𝙤𝙧𝙨 𝙖𝙡𝙞𝙠𝙚.
Sana all, may natanggap na ayuda.😁
Wala po ako natangap na pera, ang natangap ko lang eh de lata ng sardinas saka ilang kilong bigas. hahaha!
Ayos na Yon. Nakatipid.😁
😆
Congratulations @lolodens! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)
Your next target is to reach 400 comments.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
!MEME