Who’s This Man | short-story written by @joreneagustin
“To sum it up, I am much grateful that I’ve been with you for almost two and a half years. Everyone please treat your new adviser as how you’ve been treating me good. Goodbye, class diamond.” Our class adviser bid her goodbye because she already meet her retirement age.
Matanda na si ma’am Gina pero walang makakapantay sa kabaitan niya.
“Hays, sana nga mas mabait pa ang next adviser namin. Dahil kung hindi, nakoo lagot na me!”
Malungkot tuloy akong umuwi sa pinag tratrabahuan ko ng part time.
Maingat kong isinalin sa isang puting mangkok ang mainit at masarap na niluto kong adobo. Ang sabi kasi ni Ate Maye, maaga kaming magpapakain sa mga trabahador dahil mainit at mahirap ang trabaho nila ngayon. Assistant at part timer cook lamang ako dito, at si Ate Maye ang Chief Cook dito sa Villa Nueva, kaya naman nakadepende pa rin ako sa kanya.
“Nenen--”
“Kezeah po ate” pagpigil ko kay ate Maye dahil nasanay siyang tawagin akong neneng. Eh sinong hindi maiinis? Dalaga na ako at hindi naman ako mukhang bata no.
“Oh sige sige Kezeah pakitawag mo na lang ang mga trabahador at kakain na tayo ng pananghalian.” Utos ni ate na agad ko namang sinunod.
Malawak ang Villa Nueva Farm and Resort kaya kailangan ko pang bumaba para magtawag ng tauhan.
“Manong kain na po tayo.” Masiglang pag-aya ko sa mga matatandang nagtratrabaho sa constraction. Nagkayayahan na rin ang mga trabahador at nag umpisa na silang maglakad pataas.
Nahuli ako dahil napansin kong may nag sisibak ng kahoy malapit sa ipinapatayong building. Naka topless ang manong, walang suot na yellow long sleeve pero feeling ko kasamahan din nila.
“Constraction worker din siguro to” agad akong nagtungo sa direksyon niya upang ayain siyang kumain. Nakatalikod ito mula sa kinatatayuan ko kaya likod lang nakikita ko.
“Manong! Kain na po tayo!” sigaw ko sa kanya kahit medyo malapit lang. “Nauna na po yung mga kasama niyo.” Dagdag ko ngunit parang wala siyang narinig.
“Manong!” Mas nilakasan ko ang boses ko at buti na lang narinig niya!
“What? Did you call me manong?” iritadong tanong nito pagkaharap niya sa akin.
“Opo, bilang respeto sa mga nakakatanda.” Nakangiti kong sagot sa kanya pero bakit parang ang bata niya pa? Feeling ko nasa 21 pa lang siya, shocks hindi nagkakalayo ang edad namin kung ganon.
Napasinghal ang lalaki, umiling ito at nagderetsong naglakad papuntang kusina.
Pagod na pagod akong naupo sa harap ng mahabang mesa, kaharap ko pala ang lalaking kanina’y naka topless pero nakawhite t-shirt na ngayon.
‘Maganda naman ang katawan niya’
Shoocks napailing ako sa iniisip ko hanggang sa…
“Eneng, sigurado ka bang natawag mo lahat ng tauhan?” Napakamot ako sa ulo ko nang marinig ko ang eneng na yan.
“Ate Maye naman oh” pagmamakaawa ko.
“HAHAHAHA” ang kanina’y tahimik na naka top less ngayon tawang tawa sa narinig niya kaya bigla akong nakaramdam ng inis sa kanya.
Pinagtaasan ko ng kilay at magsasalita na sana ngunit…
“Eh bat ayaw mong matawag na Eneng? Hmm? Neneng?” dagdag pa ng lalaking to. Akala niya siguro nakakatawa ang makipagbiruan?
“Hoy lalake! Akala mo siguro nakikipagbiruan ako sayo? Kung hindi lang tayo kumakain baka kanina pa kita nasuntok diyan.” Inis kong inilapag ang kutsara at tinidor ko, nagtangka akong tatayo na sana ngunit pansin ko ang pamumula ng pisnge ni ate Maye, kulang na lang kainin siya ng lupa ngayon.
Nababasa ko pang binibigkas ni ate sa mahinang boses ang ‘pakiusap, tumigil ka na’ pero hindi ko iyon pinansin.
“Hindi mo ba talaga ako kilala, Miss Kezeah Villafuente?” ang kanina’y tawang tawa niyang mukha ay napalitan ng nangingiting mga labi.
Akala mo siguro nakikipagbiruan to.
“T-teka? Kilala mo ako?” kinakabahan kong sagot, may stalker ba ako?
Hindi ito agad na sumagot subalit tumitig lang ito na parang kay lalim ng iniisip.
“Kezeah, panganay sa tatlong magkakapatid, graduating student, 18 years old.” Nakangiti nitong sagot na siyang ipinagtataka ko. “Obvious ba? Hehe”
Tumingin ako kay ate Maye na kanina’y kinakabahan ngunit ngayon ay malapit ng matawa.
Hindi pa rin ako makapaniwala
“Nagkita na ba tayo noon? Sino ka ba?”
“Kezeah, Neneng. Ako to si Natoy, na mahal na mahal ka.”
“HA! HA! HA! HA!” agad akong napatingin sa mga trabahador na kanina ay tahimik lang pero wagas ang tawa ngayon.
Whut? Nagpapatawa ba siya?
Inis akong napatingin sa lalaking yon.
“Ang manong ng joke mo. Hindi nakakatawa.” Inirapan ko na lang to at agad na tumayo.
“Aalis na lang ako, pasok na lang ako sa klase baka malate pa ako.” Pagpapaalam ko sa kanilang lahat inis ko pang inirapan ang lalaking yon.
Ngunit sa halip na mainis, pansin ko pa ang pagkurba ng ngiti sa kanyang labi.
Kainis talaga!
“Okay, see you in my class Miss Kezeah Villafuente of Diamond Class.”
“Whatttttt?”
What the shrecks! He is of our new class adviser?
Oh goshh! Kainin na ako ng lupa ngayon.
✍️: @joreneagustin