Topic Review | "Mabibigat na Kasalanan, Mapapatawad pa ba?" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! πŸ˜‡

Medyo matagaltagal na din noong huli kong replekayon dito sa Community dahil medyo naging abala sa ibang mga bagay.

Malaki din ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagmamahal sa akin kung kaya nandito na naman ako magbabahagi ng aking mga natutunan tungkol sa panibagong topic na naibahagi at sana ay marami tayong matutunan tungkol dito.

Nagpapasalamat din ako sa mga admin at lahat ng mga members ng community dahil sa palagiang pagsuporta sa akin mula noon hanggang ngayon. Kung kaya, kung magkakaroon ako ng panahon magbabahagi talaga ako ng aking mga repleksyon dito sa community.

Ngayon nga ay meron tayong magandang topic na pag-uusapan tungkol ito sa pagpapatawad ng ating mga kasalanan at ito ay merong pamahat na, "Mabibigat na Kasalanan, Mapapatawad pa ba?"

Isa itong malaking tanong para sa ating lahat dahil alam naman natin na tayong lahat ay makasalanan, at walang kahit na isang taong perpekto o walang kasalanan, kung kaya sa tanong kung mapapatawad ba ang mabibigat na kasalanan, ang sagot dito ay Oo, mapapatawad at ang malaking halimbawa nito ay si Paul.

1 Timoteo 1:15 β€œTapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito;"

Alam natin na isa si Paul ang masasabi nating meron malaki o mabibigat na kasalanan dahil maraming mga taong kanyang pinatay at inusig, at sabi pa niya na siya ang pangulo sa mga ito.

Subalit sa kabila ng malalaki at mabibigat na kasalanan na nagawa ni Paul, ay pinatawad pa rin siya ng Dios. Ayon pa sa Salita ng Dios na si Jesus ay pumarito sa sanglibutan upang tayo ay maligtas at mapatawad ang ating mga kasalan.

1 Timoteo 1:13 β€œBagaman nang una ako'y naging mamumusong, at manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y kinahabagan ako, sapagka't yao'y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;

Mababasa natin dito na bagaman na noong una si Paul ay makasalanan at maraming nagawang mabibigat na kasalanan dahil ito sa hindi pa niya alam ang katotohanan kung kaya ito rin ang mga nangyayari sa atin. Minsan nakakagawa tayo ng kasalanan dahil hindi natin alam ang katotohan sa Salita ng Dios.

Kung kaya malaki ang ating pasasalamat sa Dios dahil pumarito ang ating Panginoong Hesu-Kristo upang tayo ay maligtas mula sa mga kasalanang ating nagawa.

Sa aking panghuling repleksyon tungkol dito sa tanong na kung mapapatawad ba tayo sa mga mabibigat na kasalanang nagawa natin, ang sagot dito ay Oo. Ang pagparitu ni Jesus sa mundo ay para mapatawad tayo sa kahit na ano mang nagawa nating kasalanan, mabibigat man ito o hindi.

Maging walang kabulohan ang pagparito ni Jesus kung hindi naman kasali sa mabibigyan ng kapatawaran ang lahat ng may kasalaman mabibigat man o hindi dahil ang kapatawaran ay para sa lahat. Pero mapapatawad lamang tayo kung tanggapin natin ang katotohanan at magsisi sa lahat ng ating nagawang kasalanan, dahil handa ang Dios na patawarin tayo kung handa din tayong humingi ng kapatawaran.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Mabibigat na Kasalanan, mapapatawad pa ba?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments