MCGI COMMUNITY | BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON : "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios (Ikatlo at Huling Bahagi)" 😇🙌☝️

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! 😇

Magandang pagbati sa ating lahat dito sa ating pinakamamahal na MCGI Hive Community lalong lalo na sa mga moderators ng community na ito. Nandito na naman po ako upang magbahagi ng aking mga repleksyon sa mga aral na aking narinig sa YouTube Channel ng MCGI at ang nakita at narinig ko nga ay meron tatlong bahagi at ang title nito ay "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios" at ngayon nga ay nasa ikatlong bahagi na ako. Kung gusto ninyong mabasa ang unang dalawang bahagi ng topic na ito, paki click ang mga link na nasa baba.

1.png

Sa mga unang mga bahagi nga ay nalaman natin na upang maniwala tayo sa Salita ng Dios ay dapat nating ma experience ang Dios sa ating mga buhay at maniniwala tayo sa Dios dahil sa lahat ng mga bagay na ating nakikita sa buong mundong ito, ngayon naman sa ikatlong bahagi ay, masasabi nating maniniwala tayo sa Salita ng Dios kung makita o ma experience natin ang kabutihan ng mga Salita ng Dios sa ating mga buhay.

Exodo 20:13 “Huwag kang papatay."
Exodo 20:14 “ Huwag kang mangangalunya."
Exodo 20:15 “ Huwag kang magnanakaw."
Efeso 6:2-3 “ Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa."
Efeso 5:25 “ Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;"

Ating mababasa sa itaas ang ilang sa mga halimbawang magagandang Salita ng Dios at kung ito ay ating gagawin tiyak at mangyayari sa ating mga buhay, dito ay mapapatunayan natin kung gaano ka buti ng mga Salita ng Dios sa ating mga buhay at dito maniniwala ang tao sa Salita ng Dios, kung sakaling hindi tayo maniwala sa mga Salita ng Dios na mabubuti ay masasabi din ng ibang mga tao na tayo ay masama kaya mas mabuting maniwala at tanggapin nating ang mga Salita ng Dios sa ating mga buhay.

2.png

Masasabi talaga nating magkakaroon tayo ng paniniwala sa Salita ng Dios kung ma experience natin at paniwalaan ang mga magagandang Salita ng Dios. Kung ating mababasa at pag-aralan ng mabuti ang Salita ng Dios, tanging para lamang sa ating kabutihan at kung ma experience natin ito at mapatunayan ito sa ating mga sarili, tiyak din na ang mga taong nakapaligid sa atin ay maniniwala din Salita ng Dios.

3.png

Mula pa lang sa unang bahagi ng topic na ito ay marami na tayong nalalaman kung paano ang tao magkaroon ng paniniwala sa Salita ng Dios kung kaya para sa aking repleksyon tungkol dito lalong lalo na sa huling bahagi ay talang napaka buti ng Dios dahil sa ang tanging para sa ating kabutihan lamang ang lahat ng ating mababasa sa kanyang Salita at kailangang paniwalaan natin ito at ating isabuhay. Dahil nga sa ibinigay na ng Dios ang lahat para sa atin, kung naniniwala tayo sa kanya, dapat din ay paniwalaan natin ang Kanyang mga Salita.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ang paraan upang ang tao ay maniwala sa salita ng Dios" na merong tatlong bahagi at dito na ako sa bahagi, at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community. Hanggang sa susunod na bahagi uli ng topic na ito mga kapatid.

To God be all the Glory! 😇🙌☝️

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments