MCGI Cares Hive Community | "Kailangan ngabang Mamatay ang Tao?" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! πŸ˜‡

Isang magpagpalag araw sa ating lahat lalong lalo na sa ating mga Admin at lahat ng mga sumusuporta sa akin dito sa Community na ito, at lalong lalo na ating Dios na walang sawang nagmamahal at nag-bibigay ng biyaya sa akin sa araw-araw.

Ngayong araw na ito, isang magandang aral na naman ang ating tatalakayin at bibigyan ng aking repleksyon o mga natutunan tungkol dito, at ang aral na ating tatalakayin ay merong pamagat na, "Kailangan nga bang mamatay ang Tao?" Isang magandang aral na makakatulong sa atin upang maunawaan natin ang buhay na binigay ng Dios sa atin.

Sa mga nakalipas na repleksyon natin napag-usapan natin ang tungkol sa pagkamatay ng tao, kung bakit mayroong mga mababait na taong maagang namamatay, mababasa natin ito dito..

Ating napag alaman na namamatay ang mga mabubuting tao dahil ito ay itinakda ng Dios dahil mahal Niya tayo at ayaw Niyang maghirap pa sa mundong ito.

Hinding hindi natin maiiwas ang kamatayan dahil tayo ay itinakda na para dito pero huwag dapat tayong matakot dahil mahal tayo ng Dios at hindi Niya tayo pababayaan.

Ang tanong, bakit ang tao ay namamatay. Kung ating susuriin ang dahilan kung bakit namamatay ato dahil ito sa nagawa nila Adam at Eva. Ang gusto talaga ng Dios na tayo ay mamuhay habang buhay o walang kamatayan pero dahil sa paglabag sa utos ng Dios nila Adan at Eva, kung kaya ang kapalit nito ay ang kamatayan nag tao.

Ating makikita dito na isa sa dahilan kung bakit namamatay ay tao, dahil ito sa ating mga kinakain. Minsan humpay kain tayo kahit na bawal ito sa atin. Kung kaya ang dapat lang din masisi ay tayo, dahil sa hindi natin pagsunod sa kung ano ang nakakabiti sa atin.

Dahil nga sa nilabag nila ang utos ng Dios, dito nakapasuk ang kamatayan o pagkakasakit ng tao. Kung ang isang tao na nagkakasakit at hindi ipapahintulotan ng Dios na mamatay ito tiyak na matagal itong magtitiis sa sakit. Kung kaya dahil mahal tayo ng Dios at hindi Niya tayo gustong magtiis sa sakit, kung kaya masasabi nating kailangan talagang mamatay ang tao, upang hindi na magtitiis ng matagal.

Hebreo 9:27 β€œAt kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;"

Ating mababasa sa Salita ng Dios na tayo ay itinakdang mamatay at pagkatapos nito, tayo ay haharap sa paghuhukom ng Dios. Subalit hindi dapat tayo matakot na tayo ay mamamatay dahil kung alam natin sa ating buhay na meron tayong Dios at namumuhay tayo sa Kanyang kaluoban, kahit na tayo ay mamatay, meron tayong inaasahang buhay na walang hanggan doon sa langit.

Isa itong pagpapaalala sa atin na dapat tayo ay sumunod sa Dios dahil habang tayo ay nabubuhay pa sa mundong ito, meron at meron tayong pag-asa at huwag lamang tayong matakut dahil nandyan lang ang ating Dios na totoong nagmamahal sa atin sa hang buhay.

Magandang mensahe para sa atin itong lahat dahil kahit na hindi natin maiiwasan ang kamatayan, hindi naman natin dapat isawalang bahala na hindi dapat tayo matakut na namamatay dahil meron pangako ang Dios sa atin na buhay na walang hanggan.

Dito naman tayo sa aking panghuling repleksyon o mga natutunan sa aral na ito. Alam natin na temporaryo lamang tayo sa mundong ito, kung kaya mamuhay tayo ayon sa utos ng Dios. Huwag din tayong matakot sa ating buhay dahil mahal tayo ng Dios, ayaw Niya tayong nakikitang mahihirapan kung kaya itinatakda tayong mamatay pero aasahan natin na tayo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan hindi dito sa lupa kundi sa langit.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Kailangan nga bang mamatay ang Tao?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
1 comments