BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON: "Papaano Malilinis ang ating mga Puso?" ππβοΈ
Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! π
Maligayang pagbati sa ating lahat dito sa MCGI Hive Community at labis akong nagpapasalamat sa Dios sa bawat liggong nagdaan ay marami akong natututunan sa bawat Video at aral na ibinabahagi ni Bro. Eli na nagbibigay sa akin ng karagdagang kaalaman sa Salita ng Dios at nang aking pananampalataya sa Dios. Ngayon nga ay sinimulan na naman natin ang isang bagong linggo at masaya akong ibahagi sa inyong lahat ang isa din sa bagong YouTube Video ng MCGI Community na pagbabahagihan ko rin ng aking mga katutunan o ang aking reflection tungkol dito, at sana ay makakapagbigay aral din ito sa lahat ng makakabasa at susuporta.
Ang video nga napanuod ko at bibigyan ko ng aking reflection ay tungkol sa ating sariling relasyon sa Dios dahil tungkol ito sa ating mga puso, at ang title ng ating pagbabahagihan ng reflection ay, "Papaano Malilinis ang ating mga Puso?".
Kung ating pakinggang mabuti at isipin ito ay isang malaking tanong ang matatanong natin sa ating mga sarili dahil nga sa tayong lahat ay merong mga puso na puno ng kasalanan at mga bagay na hindi makakapagpasiya sa harapa ng Dios, pero ang tanong papaano nga ang ating mga puso ay malilinis.
Sasagutin nating ang tanong na ito sa pamamagitan lamang ng mga Salita ng Dios na ating mababasa sa Juan 15:3.
|
---|
Mababasa natin sa Juan 15:3 na ang tanging sagut upang ang ating mga puso na nadumihan ng mga kasalanan at malilinis ay ang Salita lamang ng Dios na Siyang kanyang sinalita sa atin. Ito ay hindi natin makukuha at mahahanap sa mga tao sa mundong ito dahil tayong lahat nga ay makasalaman, walang ni isa man sa atin ang malinis ang puso, kaya sa pamamagitan lamang ng mga Salit ng Dios tayo ay malilinis, malilinis ang ating mga puso. Ang tanong ngayon, paano malilinis ng mga Salita ng Dios ang ating mga Puso na puno ng karumihan at kasalanan?
|
---|
Ayon sa Salita ng Dios sa Santiago 1:21, upang malinis ang mga Puso na puno ng karumihan at kasalanan, ay kailangan nating tanggapin ng may kaamuan ang mga Salitang itinanim sa atin ng Dios. Ibig sabihin nito ay buong puso nating tanggapin ang Salita ng Dios sa ating mga puso at buhay at kailangang ihiwalay natin ang lahat ng mga karumihan at pagapaw ng kasamaan sa ating mga puso.
Ang ibig sabihin lamang nito na kapag buong puso nating tanggapin ang Salita ng Dios sa ating mga puso at buhay ay kailangan din na huwag na tayong gumawa ng kasamaan o mga bagay na nakakarumi sa ating mga puso at isabuhay natin ang lahat ng mga Salitang itinanim sa atin ng ating Panginoong Dios. Nasa pagtanggap natin sa Salita ng Dios, kung bukal o taus puso natin itong tinatanggap.
Marami nang mga pagkakataon na tayo ay natutukso dahil nasa ating paligid lamang ang mga tukso, at dahil sa ang ating mga puso ay nire-reject ang mga Salita ng Dios dahil sa ating mga kasalanan na nasa ating mga puso, pero ating tatandaan na ang Dios ay laging tumutulong sa atin at hindi niya tayo pabababayaan, at para malinis ang ating mga puso ay kailangan nating ialis ang lahat nga mga karumiha at kasalanan sa ating puso at tanggapin ng bukal at buong puso ang mga Salita ng Dios sa ating mga puso.
Pang huli ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang aking reflection tungkol dito. Ang tanging masasabi ko ay talagang napaka buti ng Dios sa ating lahat dahil hinding hindi Niya tayo iiwan at pababayaan dahil bagamat marami mang mga bagay o pangyayari na nakakarumi sa ating mga puso ay nandiyan lamang ang kanyang salita na siyang makakalinis sa atin, kaya kailangang isapuso natin at isa buhay ang bawat Salita na ating mababasa at maririnig dahil ito lamang ang makakapaglinis ng ating mga puso.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Papaano Malilinis ang ating mga Puso?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community.
To God be all the Glory! ππβοΈ
Your Friend
@godlovermel25
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.