Meryendang Patok sa Pinoy

Magandang araw mga kaibigan!

Kung meryenda lang din ang pag-uusapan
aba'y di ko papatalo ang Nanay ko dyan.
Ang lagi nyang lapag sa hapagkainan,
ay ang pambatong pancit at biko suman.

Okay pack up na! Hanggang dyan lang ang kaya kong i-rhyme. 😆

So ito na nga!

IMG_20240329_073418.jpg

Tuwing kami ay umuwi lagi naming nilalambing sakanya na ipagluto kami ng biko. Iba kasi ang biko ni Mama, ewan ko ha, kung anak nya lang ako kaya ko nasasabi yan pero baka ganun nga talaga. Hahaha Pero ang biko ni Mama ay di gumagamit ng ordinaryong asukal, sangkaka ang gamit yan, yan ang tawag namin sa panutsa ng Maynila.

Ang panutsa ay purong sabaw ng tubò na niluto at hinulma sa bao ng niyog. Matamis sya at masarap din papakin, kaya naman hinihiwa pa lang ni Mama ang sangkaka o panutsa para magluto ng suman ay di na namin mapigilan magsi-damputan. Noong mga bata pa kami iniuulam din namin ito sa kanin.

Tradisyunal si Mama magluto ng kanyang biko, di pa kasi uso noon ang tamad version na isasaing muna ang malagkit na bigas, ang kanyang paraan ay mahabang halukayan ng malagkit sa malaking kawa kaya naman pag alam naming magluluto na sya ng biko kanya-kanya na kaming pulasan.

IMG_20240329_080734.jpg

Isa pang pambatong meryenda ni Mama ay ang pancit na guisado. Mapa may okasyon man yan o ordinaryong araw, masarap yung pancit nya kahit simpleng sahog lang.

Tuwing may mga handaan at may dala kami nang niluto niyang pancit, kakalapag pa lamang ng dalang bilao, saglit lang ay ubos na agad ito. Ika nga ng aking mga pinsan, sold out na naman ang pansit ni Tiyang. Pagbabagal bagal ka'y di mo na ito maaabutan.

Ikaw? Anung meryenda ang patok sa panlasa mo? Isulat mo na din yan dito sa tagalogtrail!

general.gif

Ang mga larawan ay sa akin at sa akin lamang.
Para namang may nang-aakin e!



0
0
0.000
9 comments
avatar

Parang gusto ko na magpa ampon sa mama mueeee!

Mas masarap naman talaga pag panutsa ang gamit. Yung version ko pang tamad din hahah yoko na maghirap pag magluluto pero why create one kung kaya naman bumili diba? Mindset lang hahah.

Feeling ko I need pancit in my life di pa kami nagpapansit for 1 week na.

0
0
0.000
avatar

tama naman! pwede naman bumili na lang kaysa magpagod pa hahahha magpancit ka na bukas!

0
0
0.000
avatar

sopas ang naka line up ko bukas! Nakapag handa na ako ng caldo.

Yung pancit pag nag adobo ako sa mga susunod na araw nalngs hahha

0
0
0.000
avatar

Sarap naman po nyan ate, kaso mabilis lang akung yung ano magsawa

0
0
0.000
avatar

Oiii, pahingi. Haha. Ako na bahala sa softdrinks. Parang ansarap nmn nyan 🤤

0
0
0.000
avatar

uy softdrinks! yan talaga perfect na kapartner ng mga yan, para ka na din pumunta sa birthdayhan hahaha

0
0
0.000
avatar

Gawin nyo nlg negosyo mam, baka pumatok, extra income pa yab.

Mabenta mga pagkain ngayon kahit online pa

0
0
0.000
avatar

Congratulations @cindee08! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You got more than 5250 replies.
Your next target is to reach 5500 replies.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

LEO Power Up Day - May 15, 2024
0
0
0.000
avatar

Ay ina, kaaga aga akoy ginugutom mo. Pero wala naman talagang tatalo sa luto ng ina. Lalo at lumaki tayong alaga sa pag mamahal nila hahaha, sinanay na nila ang mouth natin sa lasa ng lutong nanay, uwu. Pero yont biko, ang ganda ng kulay, hindi boring at talagang halatang masarap. Tagal mag linggo ah, makabili nga ng ganito, sana available huhu. Mahal na rin ng mga kakanin ngayon ee

0
0
0.000