Holdap sa Jeep, Parang Eksena Sa Teledrama | Jeepney Holdup, Like a Telenovela Scene (Fil - Eng)

avatar
(Edited)
Di ito sabaw moment sa dyip gaya ng isang theme ng latest writing prompt ng Tagalog Trail pero ikukwento ko pa rin yung nangyari sa'kin dati sa etivaC (slang for Cavite province). Jusmio marimar. 😂 Di ko talaga malilimutan yun.


Mga college classmates ko kasi karamihan puro taga-South, outside of Metro Manila (NCR). Di ko alam bakit, siguro kasi yung unibersidad na iyon e nasa Maynila, na nasa timog talaga na parte ng punong rehiyon. Nakatira ako sa dorm malapit sa school noon dahil wala naman kaming bahay pa na tinitirhan dati.

So anyway, di ko na tanda kung before o after graduation yun basta alam ko malapit na Pasko nun. Naisip namin mag-inuman and videoke tas sleepover sa bahay ng isang barkada namin. Basta ang natatandaan ko lang malayo sa kanila. At syempre dahil wala pang may kotse noon, dyip ang sinakyan namin papunta sa bahay nila.

Tawagin natin ang kaibigang iyon sa pangalang Juan (di nya tunay na pangalan). First time namin pumunta doon noon. Dati kasi sa isa pang kabarkada kami, pero that time naisip namin mag-iba naman ng venue.

This is not a brain fart moment in jeepneys like one of the theme of the latest writing prompt of Tagalog Trail but I will still tell you what happened to me before at etivaC. Omg. 😂 I will never forget that.


My college classmates were mostly from the South, outside of Metro Manila (NCR). I don't know why, maybe because that university is in Manila, which is in the South part of the capital region. I lived in a dorm near the school back then because we didn't have a house to live in before.

So anyway, I don't remember if it's before or after graduation but I know it was close to Christmas. We thought of drinking and using the videoke then have a sleepover at the house of a friend of ours. I only remember their place is really far. And of course, since no one had a car back then, we rode a jeep to their house.

Let's call that friend Juan (not his real name). It was our first time to go there back then. We used to go to another friend's house, but that time we thought of going to a different venue.


Inside a jeepney with a view of another jeep.



Dalawang sakay ng dyip yun mula sa kung saan man sa Cavite papunta sa kanila. Di ko na tinandaan kung taga-saan sya dahil bad experience kami. 😂 Basta sa pangalawang dyip doon kami nadali.


Isa o dalawa lang ata ang nakasakay noon nung sumakay kami. Malapit na rin 'ata gumabi no'n. Ewan ko kung bakit pero habang umaandar yung sasakyan at nagiging liblib na e parang nakakabahala pero dahil marami naman kami e di ok lang. Mga sampu 'ata kami no'n. Apat na lalaki, este bading yung isa, tas puro babae na.

Maya-maya may bumaba 'ata tas bigla na lang may mga sumakay na mga lalaki. Tapos may hawak na mga baril. Jusmio. 😲 Tiningnan ko sa mata yung isang may hawak ng baril, nakita ko wala siyang balak gamitin yun kaya parang nakampante ako. Pero yung iba hindi ko natingnan kaya hindi ko alam ano mood nila.

Sa tingin ko apat sila o lima, di ko na maalala. Yung dalawa pumwesto sa harap tinutukan yung driver. Yung iba katabi namin sa magkabilang upuan ng dyip.

It took two jeepney rides from somewhere in Cavite to get to their house. I didn't take note where he was from because we had a bad experience. 😂 All I know is it was in the second jeep where we got hit.


There were only one or two people on board when we got on. It was almost night too, it seemed. I don't know why but as the jeepney moved farther the place was becoming more isolated and it seemed disturbing but because we were many it was okay. There were about ten of us. Four males, er one of them is gay, and then the rest were females.

After a while I think someone got off and then suddenly there were men coming inside. And they were holding guns. Omg. 😲 I looked into the eyes of one of those holding a gun, I saw he had no intention of using it so I felt complacent. But I wasn't able to look at the others so I didn't know what their mood was.

I think there were four or five of them, I don't remember anymore. Two went in front and pointed their weapons at the driver. The others were next to us in both seat sides of the jeep.


source


T*ngna holdap na pala yun. Sa buong buhay ko di ko pa naranasan yun before nung araw na iyon. Hay nakupo. Ano pa ba magagawa namin pag ganun e nasa gitna kami ng kawalan, wala halos mga bahay sa tabi ng kalsada. Tumatakbo yung dyip pero kinukuhanan kami ng mga pera at cellphone at pati bag. Aysusmio.


At syempre kagaya ng mga eksena sa telebisyon, may action at dramang nangyari. Habang kinukuhanan kami ng mga gamit, siyempre ang ingay namin. Tapos ang humablot nung gamit ko ay yung natingnan ko sa mata. Kaya makapal mukha ko nagmakaawa ako kunyari na ibalik yung bag ko kasi andun yung mga ID ko, etc.

Panay sabi ko ng, "Kukunin ko lang mga ID ko kuya!" habang hinahatak ko yung bag ko. Ganyan eksena. 😱😵 Ayaw ko bitawan.

Syempre dedma sila sa mga pagmamakaawa namin pero naghihilahan talaga kami nung isang lalaking may baril. 😂 Ayaw ko ibigay yung bag kasi andun mga damit ko pamalit haller! Ano gagamitin ko pamalit kinabukasan, ano side A side B ang underwear? Juskopo. 🤦‍♀️

So I think dahil ang ingay ko na rin at ayaw ko bumitaw, yung isang lalaki lumapit tapos... hulaan nyo ano'ng ginawa sa'kin? 😂

Ready na ba kayo? 😆

Perstaym na may gumawa sa'kin no'n. Alam nyo ano ginawa?

Bigla na lang ako nakarinig ng isang malakas na "PAK!"

F*ck it turned out to be a holdup. In my entire life, I have never experienced that before that day. Oh my. What else could we do when we were in the middle of nowhere, there were almost no houses along the road. The jeep was running while they took our money and cellphones including bags. Omg.


And of course just like the scenes on television, action and drama happened. While they were taking our stuff, of course we got noisy. And the person who grabbed my stuff was the one I looked in the eye. That's why I was brave to pretend to beg him to return my bag because it had my IDs, etc.

I kept saying, "I'll just get my IDs man!" while pulling back my bag. That's the scene. 😱😵 I didn't want to let go.

Of course, they didn't listen to our pleas, but I and the same guy with the gun were busy pulling in opposite directions. 😂 I didn't want to give the bag because my change of clothes were in there come on! What would I use the next day, what, I would use my underwear then reverse it? Omg. 🤦‍♀️

So I think because I was noisy and didn't want to let go, the other man came closer and then... guess what he did to me? 😂

Are you ready? 😆

It's the first time someone did that to me. Do you know what happened?

All of a sudden I heard a loud "WHACK!"






source



Hala biglang nakatingin ako sa kaliwa ko. Sinampal na pala ako. Lakas ng sampal huy. Parang na-shock 'ata ako nun dahil di ako naka-react ng ilang segundo. Binitawan ko 'ata bag ko dahil dun sa ginawa, hayup sya.


Sumunod na napansin ko na lang eh tumigil na 'ata yung dyip at pababa na silang lahat. Lalaban pa sana ako kaso pinigilan ako ng mga kasama ko eh. Wag na daw ako lumaban dahil may baril sila tsaka may kutsilyo pala yung isa. Mabilis lang yung mga pangyayari pero pag andun ka sa moment syempre parang hinde.

Tapos no'n umandar na yung dyip after makababa ng mga hayup. Nakuha na nila yung bag ko tsaka mga gamit ng mga kabarkada ko.

Haha pusangina lang. Kaya mag-iingat kayo sa Cavite, lalo sa mga libliban jusko. Kilala pala ang Cavite as pugad ng mga drug lords at drug addicts wala ako kaalam-alam noon. 😂

What the, suddenly I was looking to my left. Apparently I got slapped. That was a strong slap huh. I think I got shocked because I didn't react for a few seconds. I believe I let go of my bag because of what he did, the monster.


Next thing I know the jeep had stopped and they were all getting off. I would still have fought if my friends didn't stop me. They told me not to fight because they had guns and it turns out one of them had a knife. Things happened quickly, but when you're in the moment of course it doesn't seem like it.

After that the jeepney started moving after the sons of b*tches got off. They already got my bag and my friends' belongings.

Haha WTF. So be careful in Cavite, especially in remote areas my god. Apparently Cavite is known as a nest of drug lords and drug addicts, I had no idea back then. 😂


source

Kung di kayo naniniwala, may Facebook groups pa ng memes about etivac na puro adik at drug pushers at mga kriminal. 😆 Sila-sila mismong tagaroon (at tagalabas din) nagpo-post sa group, ginawang meme yung pagka-kriminal ng ibang mga Caviteño.


Anyway, nakarating naman kami ng ligtas dun sa bahay ng kaibigan namin. Parang natameme kami ng konti at nawalan ng gana sa buhay dahil sa nangyari sa'min. Grabe yun ah. Lahat kami nawalan ng gamit tas natutukan pa ng baril. Ako lang ang "special", ako yung naging bida ng palabas. 😂

Pero merong isa inupuan nya yung cp nya kaya hindi nakuha. Pagkasabi ng holdap ginawa na daw nya yun agad. 😂 Ewan sino mga naghiraman ng pera para makauwi kinabukasan. Basta ako okay lang pero nagulat din kasi sila sa ginawa sa akin kaya pinag-uusapan pa rin talaga namin minsan yun up to now kapag nagkikita kami. Na-shock siguro sila. 😂

Ang sinasabi ko naman, aba dapat nga magpasalamat din sila sa akin, kung di ako ang naging "star" ng show lahat ng gamit namin limas. 😂 At least na-distract sila lahat sa akin kaya merong mga naiwang ibang bag.

If you don't believe it, there are even Facebook meme groups about etivac being full of addicts, drug pushers and criminals. 😆 Locals themselves (and outsiders too) post in that group, turning the criminality of other Caviteños (locals of the province) into a meme.


Anyway, we arrived safely at our friend's house. It's like we were quite speechless for a while and lost our appetite for life because of what happened to us. That was the worst. We all lost things and also got guns pointed at us. I was the only "special" one, I became the star of the "show". 😂

But there was one of us who sat on his mobile phone so no one got it. After they said it's a holdup, he did that immediately. 😂 I don't know who borrowed money from who just to get home the next day. As for me I was okay but they were really shocked by what happened to me that's why sometimes we would still talk about it 'til now whenever we get together. They must have been shocked. 😂

What I always say is, well, they should be thanking me too, if I wasn't the "star" of the show, all of our things would've been gone. 😂 At least they were all distracted by me so there were other bags left behind.


A jeepney full of passengers.


Sa totoo lang na-trauma ako sumakay ng mga dyip after n'on. Kaso wala namang ibang paraan para makabyahe kung saan saan kundi mag-dyip. Kaya no choice sinanay ko ulit sarili ko na sumakay ng dyip kahit natakot na ako.


Buti na lang talaga nasa isa ko pang bag yung pera ko noon pati cellphone. Yung mga mahahalagang bagay andun sa isa ko pang bag eh, buti na lang. 😂 Kaya okay lang talaga ako no'n pero nakaka-trauma pa rin yung nangyari. Kaya never na kami nag-get together doon kila Juan. 😂 Mahirap na baka maulit pa nangyari.

Ako pa naman e mahilig mag-public commute. Never ako bibili ng kotse dahil pampadagdag lang sa traffic at polusyon. Kahit may mga kotse na mga ka-batch ko e ang meron lang ako ay bisikleta. Proud na ako do'n. Haha.

Nako ayun lang naman ang kwentong dyip ko. Ma-action ng konti at may konting drama rin. Hahaha. Deserve ko ng jacket dahil best actress ako. 😂

Hindi naman ako yung umiyak. Yung iba naiyak after, ako e nagalit kasi wala na ako pamalit ng damit. 😂 Minura ko pa nga sila nung nakababa na sila at nakaandar na yung dyip. Mga walanghiya.

Kayo ba, naholdap na rin sa dyip (o sa iba pa)? 😆

To be honest, I was traumatized to ride jeeps after that. However there's no other way to travel anywhere but by jeepney. So no choice, I had to get used to riding a jeep again even though I was traumatized.


Fortunately, my money was in my other bag along with the cellphone. The important things were in my other bag, good thing that was the case. 😂 So I was really okay but what happened was still traumatizing. That's why we never got together at Juan's place again. 😂 Better safe than sorry.

As for me I'm someone who likes to commute in public vehicles. I will never buy a car because it will only add to traffic and pollution. Even though my batchmates already have cars, what I have is a bicycle. I'm proud of that. Haha.

Anyway that's it for my jeepney story. A little action and a little drama too. haha I deserve a prize because I'm the "best actress". 😂

I'm not the one who cried. The others cried after, me, I got angry because I didn't have a change of clothes. 😂 I even cursed them when they got off once the jeep started. Shameless people.

How about you, have you ever been holdupped in a jeep (or anywhere else)? 😆


.
.


By the way since it's International Women's Month, let me answer that question from the Hive PH community contest: "A warrior, caregiver, or strategist: Which among these roles best describes you as a woman?"

After everything you've read above, I can say the role that best describes me is a warrior. I may not know martial arts or have deadly skills yet but I would definitely always fight for what is right. If you've been a long time reader of mine for sure you would agree too. Haha.



XOXO,
@artgirl




Photos are mine unless noted otherwise

image breaker.jfif

FOR SALE: High Ceiling, 3 Bedroom Modern Glass House with Loft in Tagaytay!

Almost RFO, P22M Negotiable


FOR SALE: 3 Bedroom Spacious Townhouses near Anonas, Quezon City RFO

.


Read Philippine Condo Buying FAQs Here

Spam or irrelevant comments will be downvoted if not revised upon warning.

Written by @artgirl for Steemit / Hive
© Art x Stephanie Rue / Lucy Stephanie


Join Hive thru ecency, Click Here!


@artgirl is a freelance writer/artist, online seller and real estate agent.
My Steemit/Hive posts may contain referral/affiliate/merchandise links.

Contact me for your art, Writing/Research &
Central Luzon, CALABARZON & Metro Manila (NCR) property needs.

Otherwise for business inquiries :
send me a Telegram or a Facebook message. Link in my bio.

Preoder One Opti Juice from me to help you fight illnesses!


Like it?
Upvote, Follow and ReHive/Share for appreciation.

♥ Thanks! ♥



0
0
0.000
18 comments
avatar

I tried reading in english but iba talaga ung feelings pag tagalog hahahahahaha randam na ramdam ko, para akong nagbabasa ng libro sa wattpad eh 😂
Traumatic experience but ang galing naman, may pa fight back pa hahahaha ang kulit lang
buti naman safe pa rin kayo at walang nangyaring malala. di ko alam ganyan pala dyan sa etivac (hirap naman itype!).

0
0
0.000
avatar

Hahaha oo di ba? Kaya pag meron Tagalog dub sa Netflix or Viu yun ang pinapanood ko para di na pahirap sa subtitle. 😂

Yes salamat sa Diyos hanggang dun lang nangyari sa amin. 🙏 Di ko rin alam noon pero ayun nangyari. Haha. Di naman lahat ng lugar doon pero pag liblib ingat na lang. 😂

0
0
0.000
avatar

Hahahahahanep yan hoyy, maigi at wala namang nasaktan sa inyo. Bat parang kasabwat ang Driver? Kr hindi naman siguro no may mga ganoon kasi ee. Yont dadalhin ka kuno sa shortcut sabay booingggg, shortcut pala sa kamatayan yon taeng yan.

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Alam mo kasama yan sa napag-usapan namin. Posibleng kasabwat yung driver tlga. Pero shempre wla naman nag-file ng report sa amin. Ewan ko lang kay Juan if nagreport ba sya. I think yes, di ko na lang natanong if ano nangyari sa report dahil nga trauma kaming lahat. haha.

Hay naku. Buti n lang tlga wla na ibang nangyari sa amin, salamat kay God haha.

0
0
0.000
avatar

Kuu baka talaga, pero good luck nalang sa mga bad na ginagawa nila. Bahala na ang karma sa kanila.

0
0
0.000
avatar

Ang tapang mo ateee, akala ko nung una fictional sya pero di ko alam na nangyare pala tlaga siya sayo, ang angas nung part na nakipagagawan ka nung bag sa holdaper, buti na lang tlaga at walang nangyari sa inyo, pero nakakatrauma yung ganun, kaya next time need tlaga maging vigilant sa mga nasa paligid.

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Oo matapang ako nun kasi alam ko di nya ipuputok yung baril haha. Kaso nga lang yung iba di ko tantya kaya sige na lang. Kung marunong lang ako mag-karate sana e baka pinagsisipa ko mga yun. Lol. Hay buhay.

Sobra tlga nakaka-trauma kaso wala eh, jeep is layf sa Pilipinas. 😁 Sana until forever may jeep tayo sa Pinas.

0
0
0.000
avatar

grabeh tapang neto , hahahah natawa ako sa sampal eh, buti nalang talga yan lang ginawa sayo, may iba kasing holdaper na mainitin ang ulo, if i were in the situation feel ko di ko makaya at ibigay ko nalang talaga pero try hingin ang ID's kasi mas importante hahaha

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Haha kung sana lang tlga marunong ako mag-kung fu eh. Hanggang ngayon di pa rin ako nakakapag-aral. 😂 Tas wala, ayaw ako bigyan ng chance man lang na kunin IDs ko haha. No choice nagpapalit na lang ako after nun.

0
0
0.000
avatar

Naku! Nakakatakot Naman Ang experience mo. Sa away Ng Dios di ko na experience Yan at sana hwag Naman baka himatayin Ako sa takot hehehe. Thanks you're all safe

0
0
0.000
avatar

Kaya nga ewan ko ba ba't ganun nangyari. Bigla bigla na lang. Whew. Buti n lang nga wla na ibang nangyari sa amin. God is good indeed.

0
0
0.000
avatar

HAHAHAH grabe ano to entry mo sa Tagalog trail o entry mo sa Hiveph contest eme?

Tapang yarn? Grabe Iniimagine ko palang ang pakikipagbuno mo sa jeep hindi ko na mawari kung ano ang nangyari pa.

Ako nung nadukutan sa jeep tameme lang, alam ko kasi na dinudukot na yung cellphone ko non pero di na nakapalag. I was sooo young that time.

Sanaol nalang talaga ang tapang sa ganyang edad.

Friends parin ba kayo ni Juan ngayon after these years? Cavite talaga ang pugad ng hahha quiet nalang ako baka pagalitan tayo ni Gov ma-cancel bigla.

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Same entry for both contests. 2 birds for 1 stone da ba? hahaha.

Wala naman na ibang nangyari yun n yun. Haha. Yes we're all still friends pa rin. Ganun ata tlga pag college friends same pa rin until tumanda? Ewan lang. haha. As for Cavite, susmio alam naman na ng lahat ano pa ba ikakagalit nya? Mga angkan ng artista pa nga siguro mga drug lord? hahaha. Ewan ko sa kanila. 😂

Mahirap kasi yung tatameme lang dahil sa ganyang attitude marami sa atin naaabuso. Kita mo wlang pag-unlad Pilipinas kasi abusado mga government officials. 😂 For example na lang, nagnakaw na nga ng limpak limpak sa kaban ng bayan pinabalik pa sa gobyerno. San ka naman nakakita ng gnun? Only in da Pilipins. 😂 Pag lagi tayong takot at tameme walang mangyayari sa atin, palagi tayong victim personality. 😆 Pero okay lang naman kanya-kanya tayo ng ugali. Hehe. Sanayan lang siguro depende paano maging reaction natin sa mga bagay-bagay. Nasa atin naman paano tayo magbabago kung kelangan magbago or not.

0
0
0.000
avatar

oy di ko alam anong tsismis sa cavite @artgirl @tpkidkai hahahaha chika nyo sakin, magaling ako magtago ng sekreto (kung sekreto pa sya)

0
0
0.000
avatar

Haha naku sabi nila si ano, yung maraming mga anak. Siyempre wala tayong proof pero daming sabi-sabi na gano'n nga. So ewan ko na lang basta pugad dyan sa etivac. 😆

0
0
0.000
avatar

hahaha ayyy okay yun pala.. actually d ko kilala pero sige mahanap nga yang chismis na yan hahaha

0
0
0.000